Tuhog

Luis Paolo Saavedra

November 10, 2023

Sabado noon. Kakatapos ko lang pumasok sa NSTP. Naisipan ko mamasyal sapagkat wala masyadong akong magawa, at bago ako ngayon sa unibersidad na ito. Wala masyadong tao at halos solo ko ang lakaran hanggang student lounge. Masarap ang simoy ng hangin, sumasayaw ang mga dahon sa puno, at umaaagos ang daloy ng tubig sa pond. Ginagawa pa noon ang ikalawang bahagi ng student lounge pero pwede pa tumambay sa unang palapag. Namangha ako dahil unang beses ko madatnan na may lugar na pwedeng magpahinga ang mga estudyante habang naghihintay ng kasunod na klase.

Mahina pa ang sakop ng campus Wi-Fi noon, wala rin akong load pang data kaya naisip ko na lang kumuha ng mga litrato sa student lounge. Nakaramdam din ako ng antok marahil ako ay napagod sa mga ginawang aktibidades sa gymnasium noong ala seis y media ng hapon. Naisipan ko nalang din umidlip muna dahil malamig na naman ang simoy ng hangin. Ramdam na ramdam ko ang pagka-probinsya ng student lounge.

Habang ako ay umidlip, biglang lumakas ang hangin ngunit hindi ko ito binigyan ng pansin.

“Tulong! Tulong!”, sigaw ng lalaking nagpagising ng diwa ko. Naalimpungatan ako sa boses ng isang matandang binata. Minulat ko ang aking mata at tiningnan ko ang paligid ngunit wala namang tao dito. Naisipan kong sumilip sa ikalawang palapag ng student lounge, at habang ako ay umaakyat, lumakas nanaman ang hangin at tila ibang lamig na nararamdaman ko.

“Alas siete y media na, mainit na dapat,” sabi ko pero malamig pa rin ang aking nararamdaman. Malapit na ako umakyat sa taas tapos bigla ako nakaramdam ng hilo at mabilis nandilim ang paningin ko. Nagulat ako ng nakarinig ulit ako ng bulong na tila katabi ko yung boses na malagong at magaspang, ramdam ang galit at poot nito, “Sa susunod ikaw naman ang hihingi ng tulong at papalit sa aking kalagayan.”

Kumaripas ako ng takbo pababa at ako ay nakita ng guwardiya na naglalakad pa-Banyuhay. Sinabi niya sa akin na delikado umakyat sa ikalawang palapag lalo na’t ginagawa pa ang bubong nito. Sinabi ko ang aking karanasan kay kuya guard. Hindi rin siya nakaimik. Sinabi lamang niya sa akin ay “Utoy ikaw ay umuwi na ngayon at mang-durog ka ng tatlong pirasong bawang pagkauwi para hindi ka magmadali”.

Kinabukasan na linggo, nakita ko ulit at si Kuya Guard at tinanong niya ako kung ginawa ko yung sinabi niya. Sinabi niya sa akin na may manggagawa na aksidente na doon sa ikalawang palapag ng student lounge. Noong unang linggo ng konstruksyon, siya ay nalaglag sa palapag at aksidenteng natuhugan ng mahabang bakal sa kanyang dibdib na nagdulot ng pagkamatay niya. Wala akong mahanap na tamang salita para diyan at pumasok na lamang ako sa klase.

Habang tinitingnan ko ang mga litrato ko sa aking selpono, may malabong anino ang naka dungaw sa kisame ng unang palapag. Muli ako ay kinalibutan dahil parang nakatitig siya sa aking camera at pinangako ko sarili ko na huwag nang tatambay doon.

You might want to read…

A Letter No Diploma Could Write

A Letter No Diploma Could Write

"I'm really trying to become someone good enough to reflect that love back."  Before becoming the Class of 2026’s lone woman summa cum laude, Princess Nicole Oriola was first the daughter of Mayette. A single mother who had every reason to give up, yet never did....

Hindi pa tayo malaya

Hindi pa tayo malaya

Hindi ko magawang bumati ng “Maligayang Araw ng Kalayaan.” Sa tuwing ika-12 ng Hunyo, muli nating ginugunita ang kasarinlang ipinaglaban at pinagbuwisan ng buhay ng mga bayaning nangarap ng isang malayang Pilipinas. Ngunit habang nababasa ko ang mga balitang tungkol...

Pamusay

Pamusay

Sa pula o sa puti, Iisa lamang ang lahi, Ngunit tila parehas nagtatalo Nakailang kahig para sa iisang tuka Nauuna pang dumilat kaysa sikat ng araw, Ngunit sikmura’y nananatiling hungkag Tila ba’y tayo rin ang nagtatanim ng mga sugat Para sa pinamusay nilang mga butil...

Where do wishes go when candles die

Where do wishes go when candles die

Year after year, when the candles burn bright, they carry the same question.“What would you wish for?”I smile, but my lips stay sealed. The words gather in my chest, pressing softly against my ribs, while the smoke curls upward as if it knows where to go better than I...