Sa Ngalan ng Pananampalataya

Jhon-Jhon Ortiz

March 30, 2024

Mga dasal at panalangin

Sa loob ng simbahang taimtim

Mula sa yapak ng mga paang may paniniwala.

Sa bawat palakpak ng mga anghel sa langit

Sa hampas ng mga palaspas sa hangin

Sa usok ng mga tirik na kandila ng panahon

Sa amoy ng mga puting bulaklak

Paghahangad ng tamis na biyaya at pag-asa.

Silang nakakakita, nakakarinig at nakakaamoy.

Kanilang nalalasahan at nadarama

Sa ngalan ng pananampalataya sa kanya.

You might want to read…

Hands that sustain the Tree of Life

Hands that sustain the Tree of Life

A tree may be called the Tree of Life, but it is the hands of farmers that keep its bounty alive. Months before palm fronds emerge and heavy bunches are ready for harvest, seasons must be endured and years of growth must take root. Behind every harvest are farmers who...