kuha ni Daniel Calusin

Pabili po

Daniel Calusin

April 27, 2024

Basta ang sabi nila

mangarap ka hangga’t bata ka pa

Libre naman daw ang mangarap.

Sabi ng kalaro ko

pangarap n’yang magkaroon

ng kotseng laruan.

Iyon daw ang ipinangako

ng Nanay n’ya sa kanya.

Bukambibig na ng kalaro ko

ang nanay n’ya.

Andami nilang sinabing

pangarap sa isa’t isa

Ano kaya ang itsura ng

Nanay n’ya?

Pero kung ako ang tatanungin

isa lang ang pangarap ko.

Pangarap kong makita

kung ano ang itsura ni Inay.

You might want to read…

Hands that sustain the Tree of Life

Hands that sustain the Tree of Life

A tree may be called the Tree of Life, but it is the hands of farmers that keep its bounty alive. Months before palm fronds emerge and heavy bunches are ready for harvest, seasons must be endured and years of growth must take root. Behind every harvest are farmers who...