Kasalanan

Daniel Calusin

March 7, 2024

Sabi nila sumimba raw

para mabawasan ang kasalanan.

Lagi kong kasama si inay

papuntang simbahan.

Paluhod s’yang naglalakad

papuntang altar.

Si itay naman, hindi ko nakitang

tumungtong sa sahig nito.

Siguro dahil lagi n’yang binabato

ang pangyapak n’ya kay inay.

Isang araw nakita ko

si itay sa simbahan.

Parang may pulseras na pilak

na nakakabit sa kamay ni itay.

Naiyak s’ya

tulad ng pag-iyak ni inay,

Pero bakit kaya nakahiga si inay sa altar?

You might want to read…

Hands that sustain the Tree of Life

Hands that sustain the Tree of Life

A tree may be called the Tree of Life, but it is the hands of farmers that keep its bounty alive. Months before palm fronds emerge and heavy bunches are ready for harvest, seasons must be endured and years of growth must take root. Behind every harvest are farmers who...