Food Tasting Activity, idinaos para sa parating f2f classes

Ma. Cleofe Bernardino

January 10, 2023

Isinagawa ng Canteen Management Committe ang annual Food Tasting Activity matapos ang pandemya sa MSEUF University Canteen, Jan. 20, 2023.

Ayon kay Sir Dario R. Opistan, Vice President for Administration, ang layunin ng aktibidad na ito ay pagbibigay ng kritiko sa mga napiling concessionaires (15 stalls at 11 kiosks) bilang paghahanda para sa face to face classes.

Imbitado ang Office of Student Affairs (OSAS), estudyante mula sa University Student Collegiate Council (UCSC), empleyado, faculty at ang mga academic/department heads tulad ng Dean of Architecture and Fine Arts na si Dean Jennifer S. A. Sanchez, ang Chief Accountant na si Carlos A. Remiendo, Vice President for External Relations na si Celso D. Jaballa, at University Treasurer na si Carlito M. Rodriguez bilang evaluators ng mga inihandang ulam, putahe, at snacks na ibebenta ng mga concessionaires para sa mga estudyante.

Dagdag ni Sir Arby S. Lagman, ang Chair ng Canteen Management Committee, ang aktibidad na ito ay parte ng screening process ng mga magtatayo ng stalls upang maanalisa ang mapipiling concessionaire na i-aassign sa tatlong canteen.

Bago maghain ng pagkain, kinailangan malaman ang food, pricing, serving sa pamamagitan ng pagtikim ng naihandang pagkain at inumin.

Sapagkat dalawampu’t slots ang mabibigyan, ang committee ang mamimili kung sino ang magkakaroon ng pwesto sa tatlong canteen: MSEUF Central Canteen, Basic Education Canteen at sa Maritime Education.

Ang mga napiling evaluators ay mabibigyan ng spreadsheet at lalagyan ng iskor base sa criteria: price, serving, quality of flavor at neatness of presentation.

You might want to read…

A Letter No Diploma Could Write

A Letter No Diploma Could Write

"I'm really trying to become someone good enough to reflect that love back."  Before becoming the Class of 2026’s lone woman summa cum laude, Princess Nicole Oriola was first the daughter of Mayette. A single mother who had every reason to give up, yet never did....

Hindi pa tayo malaya

Hindi pa tayo malaya

Hindi ko magawang bumati ng “Maligayang Araw ng Kalayaan.” Sa tuwing ika-12 ng Hunyo, muli nating ginugunita ang kasarinlang ipinaglaban at pinagbuwisan ng buhay ng mga bayaning nangarap ng isang malayang Pilipinas. Ngunit habang nababasa ko ang mga balitang tungkol...