CEng Tigers, maharlikang muli sa pautakan sa Chess; 8 gintong medalya, hinakot

Jasper Tabernilla

October 27, 2023

Hindi nagpaawat ang College of Engineering (CEng) Tigers sa pagpapamalas ng kanilang diskarte at pagkamada ng walong gintong medalya sa Chess Tournament ng Intramural Games 2023 upang hirangin bilang back-to-back champion sa nasabing pautakan, Okt. 26-27.

Sa pambabaeng dibisyon, tinapatan nina Charmaine Joyce Torres sa Board 2, Paula Andrea Mercado sa Board 3 at Carey Satur sa Board 4 ang kani-kanilang mga katunggali upang maitala ang tatlong gintong medalya para sa kanilang departamento.

Kasama naman nina Torres, Mercado at Satur ang bronze medalist sa Board 1 na si Angela Nica Esplana sa kampeonatong kanilang nakamit sa team event ng torneyo kung saan apat na ginto ang kanilang naipanalo.

Bagama’t hindi ginto ang nakuha ng koponan ng mga lalaki sa team event ng patimpalak, isang ginto naman ang ambag ni Glenn Forbes na bumandera para sa Tigers sa Board 3.

Sa kabuuang medal tally ng Chess, nakakuha ng CEng ng walong gintong medalya, anim na medalyang pilak at isang tansong medalya sa pagtatapos ng patimpalak.

Kabilang sa mga medalya ng Tigers ang apat na pilak mula sa koponan ng mga lalaki at dalawa pa mula kina Jericho Jordan Resico sa Board 1 at Holden Kim Aguilar sa Board 2.

Samantala, pumangalawa naman sa Tigers ang College of Criminal Justice and Criminology Cheetahs na kumalap ng limang ginto kasama ang apat mula sa team event ng mga lalaki at isa mula kay Ezekiel Marino sa Board 1 ng mga lalaki.

Dalawang pilak mula kina Rey John Dela Cuesta sa Men’s Board 3 at Josephine Contreras ng Women’s Board 2 ang nakuha rin ng Cheetahs at dalawang tansong medalya pa mula kina Kierom Delos Reyes at Luis De San Andres sa Board 2 at 4 ng mga lalaki.

You might want to read…

A Letter No Diploma Could Write

A Letter No Diploma Could Write

"I'm really trying to become someone good enough to reflect that love back."  Before becoming the Class of 2026’s lone woman summa cum laude, Princess Nicole Oriola was first the daughter of Mayette. A single mother who had every reason to give up, yet never did....

Hindi pa tayo malaya

Hindi pa tayo malaya

Hindi ko magawang bumati ng “Maligayang Araw ng Kalayaan.” Sa tuwing ika-12 ng Hunyo, muli nating ginugunita ang kasarinlang ipinaglaban at pinagbuwisan ng buhay ng mga bayaning nangarap ng isang malayang Pilipinas. Ngunit habang nababasa ko ang mga balitang tungkol...