CCJC Raptors kampeon sa Intramural Games 2023

Lycamae Penarejo

January 14, 2024

Nilampaso ng College of Criminal Justice and Criminology ang ibang departamento matapos makapag uwi ng 33 ginto, 27 silver at 20 bronze sa ginanap na Intramural Games 2023, Abr. 26-29.

Sa apat na araw ng Intramurals hindi nagpatinag ang Raptors sa pagpapakitang gilas sa iba’t ibang isports na ginanap sa MSEUF Gymnasium, Covered Court at DT Building.

Hindi umubra ang ibang departamento matapos silang paluhudin ng Raptors sa Volleyball Men at Women, Basketball Girls, Lawn Tennis, atbp.

Ayon kay CCJC DSC Chairwoman, Ainjelou De Gala bagkus maiksi ang binigay na oras naging mahirap ang preparasyon ngunit sa tulong ng organisasyon, dean, at faculty naitawid ng maayos ang nasabing event. Dagdag pa niya, nakakaproud na naibigay nila ang tulong at suporta na kinailangan ng kanilang manlalaro.

Payo niya rin sa susunod na magiging Chairman na ipagpatuloy ang nasimulang panalo ng kanilang departamento. Sa kabilang banda nasungkit ng College of Engineering (CENG) ang ikalawang pwesto na may 21 gold, 31 silver at 9 bronze.

Samantala ang College of Maritime Education (CME) naman ay nakapagtala ng 18 gold, 10 silver, 21 bronze.

Matapos ang halos tatlong taong pandemya ngayon na lamang uli nakapag organisa ang Enverga ng Intramural Games na siyang naglalayon na ipamalas ang talento sa isports ng mga mag aaral.

You might want to read…

Pamusay

Pamusay

Sa pula o sa puti, Iisa lamang ang lahi, Ngunit tila parehas nagtatalo Nakailang kahig para sa iisang tuka Nauuna pang dumilat kaysa sikat ng araw, Ngunit sikmura’y nananatiling hungkag Tila ba’y tayo rin ang nagtatanim ng mga sugat Para sa pinamusay nilang mga butil...

Where do wishes go when candles die

Where do wishes go when candles die

Year after year, when the candles burn bright, they carry the same question.“What would you wish for?”I smile, but my lips stay sealed. The words gather in my chest, pressing softly against my ribs, while the smoke curls upward as if it knows where to go better than I...