Angas, talino ng CAS, CIHTM, sinelyuhan ang titulo ng Mr. and Ms. Intrams ’23

Joshua Perez

October 26, 2023

Nasungkit ng College of Arts and Sciences (CAS) Lynx at College of International Hospitality and Tourism Management (CIHTM) Bobcats ang minimithing korona ng Mr. & Ms. Intrams 2023 matapos dominahin ng mga kalahok ang University Gymnasium ng kanilang angas at talino bilang parte ng Intramural Games 2023, Oktubre 26.

Bumida sa naturang patimpalak sina Miguel Angelo Panoy ng CAS at Kimberly Reyes ng CIHTM matapos nilang iratsada ang sarili sa sports attire, production, mind games at question & answer segment ng Mr. & Ms. Intrams 2023.

Matapang na sinagot ni Panoy ang tanong sa kaniya kung dapat bang payagan ang isang transwoman na sumali sa isports sa dibisyon mga babae.

“…I believe in equality, but [it] should be scientific. […] I believe that biologically, a male would always be strong than a female, so if you want equality in sports, I believe that male should have their own sports week, women in in their own sports week and the LGBT community in their own sports week,” sagot ni Panoy sa Question & Answer.

Dagdag pa niya, “no matter what their gender is, this is all about sports, this is about competitiveness.”

Pinuri naman ni Reyes ang Intramurals dahil aniya, isang magandang oportunidad ang kaganapang ito upang isulong ang kaalaman ng mga tao sa iba pang isports maliban sa kilala nang Basketball.

Bukod sa kanilang titulo, nanalo rin si Panoy sa Best in Production Wear, at Best in Sportswear naman si Reyes.

Wagi naman bilang 1st Runner-Up sina Mr. CIHTM John Euwien Martinez at Ms. CBA – Czarie Adrienne Bogayan; nakuha naman nina Mr. CBA Benjo Resurreccion at Ms. CNAHS Aira Sophia Apura ang 2nd Runner-Up; at itininanghal na 3rd Runner-Up sina Mr. CEng Kyle Dexter Dela Rosa at Ms. CAS – Trixie Maypa.

Bukod sa mga ito, nilasap naman nina Mr. CAFA Roent Maxel Pangramuyen at Ms. CCJC Nicole Zagala ang Best in Mindgames matapos magpakitang-gilas sa pagrampa gamit ang kanilang sportswear.

Kasama ni Panoy, binakuran din ni Ms. CBA Czarie Adrienne Bogayan ang Best in Production Wear; habang nanalo rin si Mr. CIHTM John Euwien Martinez ng Best Sportswear.

Matagumpay naman na nirepresenta ng iba pang mga kandidato at kandidata ang kani-kanilang mga departamento sa patimpalak.

You might want to read…

Pamusay

Pamusay

Sa pula o sa puti, Iisa lamang ang lahi, Ngunit tila parehas nagtatalo Nakailang kahig para sa iisang tuka Nauuna pang dumilat kaysa sikat ng araw, Ngunit sikmura’y nananatiling hungkag Tila ba’y tayo rin ang nagtatanim ng mga sugat Para sa pinamusay nilang mga butil...

Where do wishes go when candles die

Where do wishes go when candles die

Year after year, when the candles burn bright, they carry the same question.“What would you wish for?”I smile, but my lips stay sealed. The words gather in my chest, pressing softly against my ribs, while the smoke curls upward as if it knows where to go better than I...