Ang goal namin ay maibigay sa CBA ang gold na deserve nila! — kampeon ng Vocal Duet

Joshua Perez

October 28, 2023

Hindi mapantayan ang saya nina Kyle Eiron E. Delos Santos at Allen Jerhsey De Leon mula sa College of Business and Accountancy (CBA) matapos hiranging kampeon ng Vocal Duet sa Intramural Games 2023, Okt. 28.

Isiniwalat nina Delos Santos at De Leon na ang pinaka-inspirasyon nila ay ang makakuha ng dalawang ginto para sa kanilang departamento.

Pinakilig ng dalawa ang madla sa University Covered Court gamit ang sariling bersyon ng Babalik Sa’yo ni Moira Dela Torre na humakot din hiyawan dahil sa kanilang pampakilig stunts.

Binalot agad ng hiyawan ang Covered Court matapos magpakita ang dalawa nang magkahawak kamay; sunod-sunod na sigawan din ang ibinigay ng madla sa tuwing sila’y magkakalapit.

Handog naman nina Hailey Kate Laqui at Joseph Israel Aureada ng College of Education ang medly ng Kay Ganda ng Ating Musika at Isang Mundo, Isang Awit na nagpanalo sa kanila sa 2nd place.

Isang inspirasyon din ang inihandog nina Geoffrey Daya at Angelica paderon ng College of Nursing and Allied Health Sciences nang awitin ang kantang Bawat Daan na nagpanalo naman sa kanila sa 3rd place.

Ang mga medalya na nakamit ng bawat manganganta ay dagdag na medalya para sa kanilang kolehiyo.

You might want to read…

Levy in the trees, blood in the streets 

Levy in the trees, blood in the streets 

Every sack of copra carried a promise of development. In Guinayangan, the farmers who asked where that promise went were met with gunfire. Before the coco levy became a fund, a corporate asset, or a case argued, it was money a farmer did not bring home. It was...

Empty Choices

Empty Choices

During the special application period of candidacy filing for the University Collegiate Student Council Elections 2026, the five main electoral positions are composed of independent candidates with no contenders. The question now is no longer who should lead, but...