Ipinagdiwang ng Manuel S. Enverga University Foundation ang ika-labindalawang taon ng Fiestanglaw sa University Gymnasium, Disyembre 6 na may temang #SaEUMagmumula ang Pasko.
Nagkaroon ng iba’t ibang kompetisyon tulad ng Christmas Cantata, Parol Making and Three Kings na kinalahukan ng mga estudyante ng Enverga. Nagsagawa rin ng parada ng mga kalahok sa Parol at Three kings mula St. Bonaventure Hall papuntang University Gym.
Tatlo lamang ang nagwagi sa labing-isang kalahok ng parol making, nasungkit ng Entry no. 5 mula sa College of Engineering (CEng-PSME) ang ikatlong karangalan, Entry no. 7 mula sa College of Nursing and Allied Health Sciences (CNAHS-DSC) ang naguwi ng ikalawang pwesto, nakuha naman ng Honor Society of the Lambda Kappa Phi (HSLKP) ang unang karalangan.
Sa tagisan ng boses nakamit ng Entry No. 2 mula sa CNAHS ang ikatlong pwesto, Entry no. 5 mula sa CED ang nakasungit ng ikalawang pwesto at hinirang ang Entry no.6 mula sa College of Arts and Sciences (CAS) na kampeyeon sa Christmas Cantata.
Samantala, sa larangan ng three kings around the world hinirang sa ikatlong pwesto ang Arabia ng Entry no. 1 mula sa College of Maritime Education (CME). Kinilala sa ikalawang pwetso ang Thailand ng Entry no. 5 mula sa College of International Hospitality and Management (CIHTM) at tinanghal bilang panalo ang bansang Africa ng Entry No.2 mula sa College of Education (CED).
Matapos ang anunsyo ng mga nanalo sa nasabing patimpalak sinundan ito ng Christmas Lantern Switch-On kung saan sabay-sabay na pinailawan ang mga parol kasabay ang mga fireworks sa labas ng University Gymnasium.