Quezon LitFest ‘26 idaraos sa MSEUF; book drive, patimpalak sa panitikan tampok

Jase Gerald Arquiza

March 18, 2026

Muling ipagdiriwang ang Quezon Literature Festival sa Manuel S. Enverga University Foundation na tampok ang book donation drive at iba’t ibang patimpalak sa panitikan at sining na gaganapin sa AEC Little Theater, ika-8 ng Abril.

Bahagi ng pangunahing inisyatiba ng pagdiriwang ang book donation drive na naglalayong palawakin ang akses sa panitikan at hikayatin ang kultura ng pagbabasa sa komunidad. Hinihikayat ang publiko na magbahagi ng mga aklat na maaaring magsilbing sanggunian ng mga mag-aaral.

Kasama rin sa pagdiriwang ang iba’t ibang patimpalak, kabilang ang group competitions gaya ng quiz bee at scaled-up bookmark making contest, pati na rin ang individual writing contests tulad ng dagli, tula, at sanaysay, na naglalayong ipamalas ang kaalaman, malikhaing kakayahan, at pananaw ng mga kabataan sa panitikan at mahahalagang usaping panlipunan.

Sa temang “Bekët: Panitikan sa Katwiran at Kalikasan,” layunin ng pagdiriwang na pag-ugnayin ang panitikan sa mga usaping panlipunan at pangkapaligiran, habang binibigyang-diin ang papel ng mga kabataan sa pagsusulong ng kaalaman, kamalayan, at pagbabago sa lipunan.

Ayon kay Lander Ferrer Dastas, chairperson ng Quezon Literature Festival 2026, layunin ng kaganapan na ipagdiwang ang mahuhusay na manunulat ng Quezon Province at ipaalala na ang literatura, bilang isang uri ng sining, ay para sa lahat.

“Bilang mga estudyante, kailangan nating makilahok ngayon sa Quezon Literature Festival nang higit pa kaysa dati. Sa panahong nakararanas tayo ng mga kapus-palad at kakila-kilabot na pangyayari sa loob at labas ng ating bansa, kailangan natin ng isang lugar kung saan walang kaguluhan at ang paglikha ang nangingibabaw,” aniya.

Book Donation Registration
Dagli Registration
Tula Registration
Sanaysay Registration
Quiz Bee Registration
Scaled-Up Bookmark Making Contest Registration

You might want to read…

Hindi pa tayo malaya

Hindi pa tayo malaya

Hindi ko magawang bumati ng “Maligayang Araw ng Kalayaan.” Sa tuwing ika-12 ng Hunyo, muli nating ginugunita ang kasarinlang ipinaglaban at pinagbuwisan ng buhay ng mga bayaning nangarap ng isang malayang Pilipinas. Ngunit habang nababasa ko ang mga balitang tungkol...

Pamusay

Pamusay

Sa pula o sa puti, Iisa lamang ang lahi, Ngunit tila parehas nagtatalo Nakailang kahig para sa iisang tuka Nauuna pang dumilat kaysa sikat ng araw, Ngunit sikmura’y nananatiling hungkag Tila ba’y tayo rin ang nagtatanim ng mga sugat Para sa pinamusay nilang mga butil...

Where do wishes go when candles die

Where do wishes go when candles die

Year after year, when the candles burn bright, they carry the same question.“What would you wish for?”I smile, but my lips stay sealed. The words gather in my chest, pressing softly against my ribs, while the smoke curls upward as if it knows where to go better than I...