Photo courtesy of CEGP.

Refiled campus press freedom bill, nangangako ng proteksyon kontra admin control, violations

Jhon-Jhon Ortiz

August 30, 2025

Sa pagpapaigting ng malinaw at mahigpit na probisyon sa karapatan ng student publications sa mga pamantasan, muling isinulong ng Kabataan Partylist (KBP) ang Campus Press Freedom Bill na naglalayong proteksyunan ang freedom of the press laban sa admin control at violations, Agosto 28.

Ayon sa Kabataan Partylist (KBP) at College Editors Guild of the Philippines (CEGP), ang House Bill 4172 ay magbibigay-daan sa pag-amyenda sa Republic Act 7079 o ang Campus Journalism Act of 1991 na itinuturing ng ilang grupo na walang pangil at kapangyarihan laban sa red-tagging, censorship at pagbibigay pondo sa mga student publication sa state at private universities.

Ayon sa bill, ipatutupad nito ang mas malinaw at mas mahigpit na probisyon ukol sa pagbibigay pondo, malayang pamamalakad ng isang pahayagan at pagbibigay ng legal protection para sa mga student-journalists, technical advisers at campus publications.

“Ang mga karanasan tulad ng pagbibigay limitasyon na hindi sang-ayon sa freedom of the press ng mga campus publications ay nakalista at gusto natin na mayroon itong kaakibat na administrative sanction na ipapataw ng CHED, DepEd, at TESDA,” saad ni Kabataan Partylist representative Atty. Renee Co.

Ayon sa CEGP, hindi kayang bigyan ng Campus Journalism Act of 1991 ng tamang proteksyon ang mga publikasyon laban sa pakikialam at pagkontrol ng mga administrasyon sa operasyon at karapatan ng pahayagan sa isang academic institution.

Dagdag pa, nakapagtala rin ang nasabing organisasyon nang mahigit 1,000 kaso ng red-tagging, censorship, budget cutting at pagkontrol sa publication fees at account ng mga publikasyon.

Samantala, noong Mayo 2024, matatandaan na nagdesisyon ang Korte Suprema na ang ‘red-tagging’ ay isang banta sa kalayaan, buhay at seguridad ng isang indibidwal.

Sa pagpapasa ng bill sa ika-20 Kongreso, nagbigay suporta rin ang iba’t ibang student organizations, youth representatives at student publications bago ang selebrasyon ng National Press Freedom Day tuwing ika-30 ng Agosto.

You might want to read…

Hindi pa tayo malaya

Hindi pa tayo malaya

Hindi ko magawang bumati ng “Maligayang Araw ng Kalayaan.” Sa tuwing ika-12 ng Hunyo, muli nating ginugunita ang kasarinlang ipinaglaban at pinagbuwisan ng buhay ng mga bayaning nangarap ng isang malayang Pilipinas. Ngunit habang nababasa ko ang mga balitang tungkol...

Pamusay

Pamusay

Sa pula o sa puti, Iisa lamang ang lahi, Ngunit tila parehas nagtatalo Nakailang kahig para sa iisang tuka Nauuna pang dumilat kaysa sikat ng araw, Ngunit sikmura’y nananatiling hungkag Tila ba’y tayo rin ang nagtatanim ng mga sugat Para sa pinamusay nilang mga butil...

Where do wishes go when candles die

Where do wishes go when candles die

Year after year, when the candles burn bright, they carry the same question.“What would you wish for?”I smile, but my lips stay sealed. The words gather in my chest, pressing softly against my ribs, while the smoke curls upward as if it knows where to go better than I...