Layout by Lorrein Luna and Yestin Kim | Drawing by Bea Kathlin Sumilang | Photo by Francene Angela Baldeo

Huwag kang lilingon

“Ayan ka na naman palingon-lingon ka sa wala!”

Bulalas ng kaibigan ko sa akin nang napalingon ulit ako sa maliit na bintana ng aming pintuan sa Luzonian office.

“Eh sa akala kong may kakatok na naman eh!” Balik ko naman sa kaniya, palokong itinatago ang kilabot na nararamdaman ko. 

Ewan ko ba kung dala lamang ‘to ng kapraningan pero hindi ko talaga maiwasang mapalingon dito kahit wala namang taong dumadaan. Minsan naman may mga oras na tila may itim na pigurang nakasilip pero naiisip ko na lang ay baka guni-guni ko lamang ‘yon o kaya’y may isang estudyante na naman na naliligaw sa OSAS.

“Kung hindi naman kakatok, ‘wag mong sasagutin,” paniningit naman ng isa sa mga kasama namin sa office. 

“Sabi kasi sa probinsya namin, kapag may kumatok nang walang pagpapakilala, hindi raw ‘yon tao,” pagpapatuloy niya. “Gaya rito, kung may nararamdaman ka man na presensya pero hindi naman nagpapakilala, ‘wag ka na lang lilingon.” 

Napasinghal na lamang ako sa kaniyang mga sinabi. Ang hirap kasi kapag natural ko nang reaksyon ang lumingon kapag may nararamdaman akong presensya. Pati wala rin naman sigurong mawawala kung titingnan ko lang naman ‘yon, ‘di ba?

Sa pagdapo ng ala-singko ng hapon, mabilis bumalot ang dilim sa labas, dahil ber months na rin siguro. Nagliligpit na kami ng mga gamit dahil magsasarado na rin ang OSAS, palabas na sana ako ngunit may nakalimutan akong gamit sa loob kaya pinauna ko na iba kong mga kasama sa labas ng building. Agaran ko nang kinuha ito at nagmamadaling pinatay ang ilaw at pintuan. 

“Angel…”

“Oo, wait lang—” Napatigil ako nang aking mapagtantuan na mag-isa nga lang pala ako sa loob. 

Hindi maaari. Patay na ang mga ilaw at nasa labas ang aking mga kasama pero narinig ko ang aking pangalan sa may daan pa-banyo. Isang boses pati ito ng lalaki na may malalim na timbre, umalingawngaw ito sa aking mga tainga at agarang nag sitindingan ang aking mga balahibo. 

Bumaliktad lalo ang sikmura ko kasi kilala niya ako, gumigilid na ang aking mga luha sa mga mata ko buhat ng pangangamba. Naninindig lalo ang aking mga balahibo kasabay ng paninikip ng aking dibdib. Hindi ito ang tamang oras para traydurin ako ng aking isip. Lalong-lalo na ng kuryosidad. 

Tumatagos sa aking laman ang malamig niyang presensya, at unti-unting lumalakas ang kaniyang mabibigat na yabag…

‘Wag kang lilingon, Angel… 

Lumalamig lalo ang paligid, paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko na may bahid ng pangunguyam. 

‘Wag kang lilingon, Angel…

Huminto na ang pagyabag at naririnig ko na ang malalim niyang paghinga. Buong balahibo sa aking katawan ay naninindig na ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga paa. 

‘Wag kang lilingon, Angel…‘Wag kang—

You might want to read…

Hindi pa tayo malaya

Hindi pa tayo malaya

Hindi ko magawang bumati ng “Maligayang Araw ng Kalayaan.” Sa tuwing ika-12 ng Hunyo, muli nating ginugunita ang kasarinlang ipinaglaban at pinagbuwisan ng buhay ng mga bayaning nangarap ng isang malayang Pilipinas. Ngunit habang nababasa ko ang mga balitang tungkol...

Pamusay

Pamusay

Sa pula o sa puti, Iisa lamang ang lahi, Ngunit tila parehas nagtatalo Nakailang kahig para sa iisang tuka Nauuna pang dumilat kaysa sikat ng araw, Ngunit sikmura’y nananatiling hungkag Tila ba’y tayo rin ang nagtatanim ng mga sugat Para sa pinamusay nilang mga butil...

Where do wishes go when candles die

Where do wishes go when candles die

Year after year, when the candles burn bright, they carry the same question.“What would you wish for?”I smile, but my lips stay sealed. The words gather in my chest, pressing softly against my ribs, while the smoke curls upward as if it knows where to go better than I...