shot by Kayl Joash Tantong

Binhi ng Kasipagan: Anak ng magsasaka, isa sa dalawang nagtapos bilang Summa Cum Laude

Kayl Joash Tantong

July 2, 2024


Tila isang masaganang pag-aani ang araw ng pagtatapos sa kolehiyo ni Jhan Derille C. Unlayao mula sa College of Computing and Multimedia Studies, anak ng isang magiting na magsasaka matapos nakapagtapos ito bilang Summa Cum Laude ng Manuel S. Enverga University Foundation sa kursong Bachelor of Science in Information Technology.

Sa kaniyang pananalita sa Cluster 2 ng 77th Baccalaureate Services and Commencement Exercises sa University Gymnasium noong ika-28 ng Hunyo, sinabi ni Unlayao na naging inspirasyon niya ang kanyang ama na isang magsasaka. Dito rin ay binigyang pansin niya ang kahalagahan ng pagsasaka at ang mga napapanahong isyu sa sektor ng agrikultura.

“When I was young, he often said, ‘Anak, mag aral ka nang mabuti para hindi ka magaya sa akin.’ His words and life circumstances have opened my eyes in the harsh reality of farmers faced today,’ ani Unlayao. “Kaya po, huwag nating maliitin ang marangal na trabaho na pagsasaka.”

Samantala, binigyan ng pormal na pagkilala ang mahigit 800 na mga nagsipagtapos sa Cluster 2 sa ikalawang araw ng seremonya.

Nagsipagtapos ang 289 na mga mag-aaral mula sa College of Engineering (CEng), habang mahigit 600 naman ang nagsipagtapos sa Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) sa ilalim ng pitong departamento kabilang ang CEng, College of Computing and Multimedia Studies, College of Criminal Justice and Criminology, College of International Hospitality and Tourism Management, College of Education, College of Business and Accountancy at College of Arts and Sciences.

Kasabay ng programa, pinangunahan ni Gello Genisse R. Capistrano na nagtapos naman bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering ang Pledge of Loyalty to the Alma Mater.

Bukod sa seremonya, inani din ng dalawang alumni ang parangal bilang Most Distinguished Alumni of 2024 para sa kanilang natatanging pagganap at dedikasyon sa pag serbisyo sa komunidad. Binigay ang mga naturang parangal kay Dr. Guillermo M. Rago Jr. at Cherry Villamarzo-David.

You might want to read…

A Letter No Diploma Could Write

A Letter No Diploma Could Write

"I'm really trying to become someone good enough to reflect that love back."  Before becoming the Class of 2026’s lone woman summa cum laude, Princess Nicole Oriola was first the daughter of Mayette. A single mother who had every reason to give up, yet never did....

Hindi pa tayo malaya

Hindi pa tayo malaya

Hindi ko magawang bumati ng “Maligayang Araw ng Kalayaan.” Sa tuwing ika-12 ng Hunyo, muli nating ginugunita ang kasarinlang ipinaglaban at pinagbuwisan ng buhay ng mga bayaning nangarap ng isang malayang Pilipinas. Ngunit habang nababasa ko ang mga balitang tungkol...