Sa kabila ng pag-gradweyt ng kanilang mga ate, muling naprotektahan ng College of Criminology and Criminal Justice (CCJC) Cheetahs ang kanilang korona laban sa College of Engineering (CENG) Tigers sa women’s division bg Volleyball Tournament ng Intramural Games 2023 sa MSEUF Covered Court, Okt. 28.
“As a team po, mas pinatibay po namin ang aming koneksyon namin sa isa’t isa kasi last year maraming natanggal na senior so para tumatag kami as a team, yung communication ay pinatatag po namin,” sambit ng isang miyembro ng koponan.
Sa kanilang muling pagtutuos, hindi pa rin mangibabaw ang CENG Tigers sa unang set ng laro matapos umarangkada ang CCJC Cheetahs sa kanilang galing sa paghampas ng bola upang itala ang 25-23 na iskor.
Sa huling set ng laro kung saan matinding dikdikan ang naganap, hindi na pinalampas ng CCJC Cheetahs ang kanilang pagkakataon na muling masungkit ang titulo bilang kampeon matapos manaig sa huling set ng laro, 25-22.
Pagkatapos ng mainit na labanan, muling kinoronahan ang CCJC Cheetahs kung saan sila ay ag-uwi ng anim na gintong medalya, ang CENG Tigers ay anim na pilak at ang CAFA Panthers ay anim na bronze.
Samantala, pinarangalan naman ang Cheetahs na sina Reyzenette Capistrano bilang Most Valuable Player, Kayla Karylle Pasamba bilang Best Setter at Michaella Cagata bilang Best Blocker.
Nasungkit naman ni Maisie Almodiel mula sa CENG ang titulong Best Attacker habang si Lovely Marie Miro mula CBA naman ang itinanghal na Best Server.
Pinaliwanag ni Erica Jardin, team captain ng CCJC Cheetahs, pag-eensayo ang naging baon nila sa kompetisyon kung saan sa ay unti-unting nabuo ang connections at relationship nila as a team.
“Yung effort, sacrifices, time at commitment na nilaan namin ay naging dahilan para manatili sa aming departamento ang pagiging champion,” wika ni Jardin.