Pasakalye

Joshua Perez

March 6, 2024

Sa mundong ito,

makikilala ang dalawang uri ng tao

na may iisang pangalan,

ang isang lugar na may dalawang

mukha at ang mapagkubling liwanag

ng mga hubad na anghel,

“𝗔𝗹𝗮𝘀 𝘁𝗿𝗲𝘀 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻.”

At sa bawat pagkiling ng orasan

ay milyun-milyong boses ang

nakasabit sa kamay nito,

“Sampaguita po,”

labit-labit ang mga dasal

para sa mga taong ginawa nilang diyos.

“𝗔𝗹𝗮𝘀 𝘁𝗿𝗲𝘀 𝗻𝗮,”

senyales na mamamahinga na ang tao

at pipikit na lang.

You might want to read…

Hands that sustain the Tree of Life

Hands that sustain the Tree of Life

A tree may be called the Tree of Life, but it is the hands of farmers that keep its bounty alive. Months before palm fronds emerge and heavy bunches are ready for harvest, seasons must be endured and years of growth must take root. Behind every harvest are farmers who...