Binigyang pansin ng Honor Society of the Lambda Kappa Phi sa kanilang aktibidad na may temang “Pursuing Leadership, Striving Excellence” ang husay sa pag-imik, pagsulat, at pagpinta ng mga estudyante sa RBA at Kalayaan Hall, Enero 24.
Sa larangan ng paggawa ng poster, nakuha nina Christopher Jon Abril at Jude Anne De Guzman, mula sa 1st year BS Architecture, ang una at ikalawang pwesto, habang si Alyssa Harriet Martinez, 3rd year BS Architecture, ang nakasungkit ng ikatlong karangalan.
Samantala, tinanghal na kampeon sa larangan ng extemporaneous speaking contest si Mark Pateno, 2nd year BSCE, habang pumangalawa naman sa puwesto si Dan Joshua Bautista, BSCE 3rd year.
Sa kabilang banda, tinaguriang panalo si Haya Roberto, 2nd year BSCE, sa isinagawang declamation contest.
Pahayag ni Sir Mc Coulie Del Mundo, nakatutuwa umanong malaman na maraming estudyante ang nais sumali sa mga ganitong uri ng paligsahan lalo na sa larangan ng speaking contest sapagkat sa paligsahan na iyon kilala ang Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF).



