Atleta mula sa iba’t ibang departamento humampas sa lawn tennis

Lycamae Penarejo

January 14, 2024

Naghari ang College of Engineering (CENG) sa Singles A at B Men’s Division matapos nilang talunin ang kalaban nitong mga departamento. Sa Game 2 Singles Men nagharap ang College of Criminal Justice and Criminology (CCJC) at College of Engineering (CENG) nagtapos ang laro sa score na 1-7.

Sa Championship round nagharap naman ang CENG at College of Maritime Education (CME) na may score na 8-1. Samantala, sa Women Division tinalo ng College of Nursing and Allied Health Science (CNAHS) ang College of Criminal Justice and Criminology (CCJC) sa score na 7-1.

Sa kabuuan, tinanghal na kampeon ang CENG sa Singles A, ikalawang pwesto naman ang CCJC, at CME sa ikatlong pwesto.

Para sa Singles B, naiuwi naman ng CENG ang unang pwesto, CME sa ikalawang pwesto, at CCJC sa ikatlong pwesto. Sa Singles A Women, nasungkit ng CCMS ang unang pwesto, CBA sa ikalawang pwesto, at CCJC sa ikatlong pwesto.

Sa Singles B nauwi ng CNAHS ang unang pwesto, CCJC sa ikalawang pwesto, at CBA sa ikatlong pwesto.

Ang Mixed category ng Lawn Tennis ay gaganapin bukas, Abril 27 sa University Site Tennis Club.

You might want to read…

Pamusay

Pamusay

Sa pula o sa puti, Iisa lamang ang lahi, Ngunit tila parehas nagtatalo Nakailang kahig para sa iisang tuka Nauuna pang dumilat kaysa sikat ng araw, Ngunit sikmura’y nananatiling hungkag Tila ba’y tayo rin ang nagtatanim ng mga sugat Para sa pinamusay nilang mga butil...

Where do wishes go when candles die

Where do wishes go when candles die

Year after year, when the candles burn bright, they carry the same question.“What would you wish for?”I smile, but my lips stay sealed. The words gather in my chest, pressing softly against my ribs, while the smoke curls upward as if it knows where to go better than I...