Habang lumalala ang krisis sa bansa dahil sa COVID-19, minabuti ng pamantasang Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF) na agad na kumilos upang mapalakas ang seguridad pangkalusugan habang patuloy ang kanilang serbisyo sa mga guro, employado at mag-aaral.
Ito ay ayon din sa health and safety protocols na inilabas ng Kagawaran ng Kalusugan at sa pagpapatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng enhanced community quarantine sa Luzon.
Nang magsimula ang biglaang pagpapatupad ng mga community quarantine sa bansa noong ika-15 ng Marso, agad na itinigil ng Unibersidad ang mga face-to-face na klase na at itinuloy ito sa online at flexible learning.
Dagdag pa rito, ipinagbawal din ang anumang uri ng transaksyon sa Unibersidad na sinundan ng malawakang disinfection upang masugpo nang mabilis and bayrus.
Kasabay nito, ang University Collegiate Student Council. mga departamental student council at COVID-19 Task Force ay nagsama upang magbigay ng tulong sa mga stranded na estudyante, faculty member at empleyado sa kanilang mga dormitoryo at apartment na malapit sa unibersidad.
Kasama sa mga tinutulungan ng mga ito ang iba pang mga lubhang naapektuhan ng biglaang lockdown sa komunidad at mga frontliners.
Ang University COVID-19 Taskforce ay pinangunahan ni Dr. Benilda Villenas, Vice President for Academics, kasama si Dr. Melo M. Justiniano, Chief of Medical and Dental Services at Van Barry D. Par, Health and Safety Officer ng MSEUF.
Minabuti ng University COVID-19 Taskforce ang pagtatayo ng Health and Safety Outpost sa labas ng Unibersidad upang masubaybayan kung nasusunod ng mga lumalabas at pumapasok na mga tao ang health and safety protocol na inilahad ng Kagawaran ng Kalusugan. Kasama rito ang pagsuot ng facemask, faceshield, paggamit ng alcohol, social distancing at pagkuha ng form kung karapat-dapat ka bang makapasok sa loob ng unibersidad.
Sa muling pagbabalik ng transaksyon sa pamantasan, inilathala ng Information and Communication Technology Department (ICTD) ang automated online processing platforms upang maiwasan ang ‘face-to-face’ na transaksyon. Kasama dito ang online enrollment, application for graduation, application for grade completion at request for academic records mula kindergarten hanggang kolehiyo.
Sa kasalukuyan, tuloy ang striktong implementasyon ng University COVID-19 Taskforce sa mga protocol habang nasa general community quarantine ang bayan ng Lucena.
Photo from: MSEUF Official Facebook Page