“Ano ka ba, Diego. Huwag ka na pumunta sa school ngayong gabi. Hindi naman mawawala ang laptop mo eh,” alaala ni Martin na nanggagaling mismo sa earpiece ko.
“Aba, may deadline tayo ngayong gabi ha. Hindi pa ako tapos sa task ko sa NEO LMS. Buti ka pa, natapos mo na,” taranta kong sinagot siya.
“Hindi ka ba natatakot sa usap-usapan diyan sa CAFA na gumagalaw mismo ang mga drawing tables? Sa lahat ng classroom na pwede mong iiwan ang laptop, doon pa talaga sa dating CAFA?” tanong ni Martin.
“After kasi ng klase natin sa classroom sa taas ay nagsimula na akong gumawa ng letter of request para maipasa ko na agad kay Sir Jasper,” sabi ko.
“Pagkatapos, inutusan ako ni Edward na kunin ang listahan ng applicants sa OSAS tapos nagpasama ka sa akin kumain sa labas. Ayan tuloy, nawala na sa isip ko,” dagdag ko pa. Isinisi ko sa kanya kung bakit ako’y nagmamadali ngayong gabi sa Enverga.
Sa sobrang inis ko, pinatayan ko ng tawag si Martin sa pamamagitan ng pagpatay ng bluetooth earpiece na nakakabit sa kaliwang tenga ko upang maka-focus ako sa pagmamaneho ng motor patungo sa campus.
Nakarating na ako sa 2nd floor ng building, ang tanging destinasyon ko. Bago makapasok sa lugar na ito, may puti pero maliit na signboard sa taas ng 2 glass door na nakasulat ang DR ROOMS 1,2, and 3. Sa gitna nito ay malinaw na salamin na natatanaw ang sariling repleksyon ko kahit malayuan. Maingat akong naglalakad patungo sa dalawang glass door na may makalawang na kadena nakasampay sa handle. Ayon sa mga ibang estudyante, dito lang sa silid aralan na ito natatanging architecture tables ang gumagalaw sa gabi. Binalewala ko lang takot ko. Nagdasal ako bago hawakan ang magaspang na glass handle sa kanan sabay tulak papasok sa loob.
Napakatahimik rito. Parang isang ordinaryong silid aralan. Hinanap ko ang aking bag sa kadiliman at natagpuan ko naman agad ang bag ng laptop na nasa ibabaw ng archi table sa gitna ng classroom. Nagkaroon ako ng malaking ginhawa sa wakas. Agad ko itong kinuha at umupo ako sa sahig upang simulan ang gawain.
Sa sobrang okupado ko sa paggawa ng essay sa NEO LMS, namamataan ko ang paggalaw ang anino ng mga lamesa. Agad akong nakaramdam ng kilabot nang nakita kong lumalaki mismo ang anino sa saheg. Sumulyap ako saglit sa taas. May namuong maputlang anyo ng babae nakasuot ng civilian at may buhok hanggang balikat, mga ilang metro lang ang pagitan namin.Nakatayo siya sa podium ng prof. Binabalot akong pangamba na maaaring itong gabi ang huli ko. Pinunasan ko ang tumataginting pawis sa aking noo gamit ng aking kanang kamay. Pinikit ko ang mata ko at taimtim nagdasal ng Ama Namin. Minulat ko na ang mata ko. Wala akong nakita. Walang kumikibo. Walang pawang katotohanan ang pinagsasabi ni Martin. Puyat lang ito. Tumungo na lang ako at bumalik uli sa pagtatapos ng conclusion ng essay exam sa NEO LMS.
Nakalipas na ang 20 minuto, nakaramdam ako ng ginhawa matapos ko binasa ng ilang beses ang sanaysay ko bago ko pindutin and ‘Click Submit’. Itinapat ko ang cursor ang ‘Click Finished’ at sabay pindot.
Tumingin ako sa relo ko. 12:01 AM na. Kailangan ko na umuwi. Tumayo na ako at ipinasok ko na ang laptop sa loob ng bag nito. Ini-sling ko ito sa kanang balikat ko habang patungo na ako sa pintuan. Hinawakan ko na ang handle ng glass door sabay tulak palabas. Hindi ko mabuksan. Bakit hindi ako makalabas? Pilit kong hinila at tinulak ngunit hindi ako nagtagumpay. Sinipa ko nang malakas at sumilip sa salamin, umaasang baka sakaling may dumating o makarinig sa boses ko. Walang katao-tao.
“MANONG GUARD, PALABASIN MO NA AKO RITO?” desperadong isinigaw ko lahat ng makakaya ng boses ko. “MANONG GUARD!” sigaw ko ulit. Hinampas ko nang hinampas ang mga glass door upang may magkaingay.
Tumigil na ako at humakbang ako ng isang beses palayo sa glass door nang nakita ko sa repleksyon ng glass door may hindi maipaliwanag na kababalaghan sa likuran ko. Lumingon ulit ako. Isang architecture table na lumulutang at biglang lumilipad nang matuling patungo sa direksyon ko.