artwork by Cyra Marielle Jael

Trono’t Bala

Cyra Marielle Jael

April 6, 2025

Isang digmaan ang lansangan,
Ngiti ng hari ang hudyat ng dusa,
Isang utos—buhay nawala.
Masaya bang paglaruan sila?

Para bang piyesa—hawak mo ang tadhana
Sa kapangyarihan mong nanalaytay
Tao’y nagmistulang manikang taga sunod
Kaya’t kanilang lupa mismo ay napupuno ng bungo
Hanggat bawat sigaw ay maging awit ng pagsuko

Ikaw na haring bakal ang kamay,
Sa huli, anino mo’y takot ang taglay.

Suot ay ginintuang korona
Na sa gabi’y isang talang kay kinang
Nakapanlilinlang, dahil sa dilim
May nakaambang…

Bang!

Hanggang sa may batang sumigaw,
“Teka po, may exam ako bukas!”
Ngumisi ka lamang sa harap nila!
Ama’t anak, hindi nagtagpo,
Ang yakap na pabaon, sa hukay dinala ito.

Ina’y lumuhod, rosaryo’y bitbit,
Ngunit ang langit, nanatiling pikit.
Sa anim na taon ng dilim.
Kumitil ng libo, kaligtasan ang palusot.

Kaligtasan , para kanino?
Kung batas mo’y gatilyo mismo?

Ngunit ngayon, hari, sino ka?
Wala nang korona, wala nang trono.
Hindi ka hari, lalong hindi diyos.
Ang batas na minsang ginamit sa kapritso,
Ngayon ang siyang hahatol sa’yo

At sa huling galaw ng laro,
Ang hari ay naipit—wala nang liko.
Walang lusot. Walang lusaw

Sa pagtatapos ng laban,
si katarungan ay bumulong:
Masaya ba? Masaya pa ba?

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...