Takot sa Likod ng Pinto

Lycamae Penarejo

November 1, 2023

Sa malayong bahagi ng Botanical Garden, may isang hanay ng kagubatan na pinaniniwalaang napapanatili ng mga espiritu ng mga sinaunang halamang naroroon. Ang mga tumatangkilik sa ganda ng kalikasan, kalma at katahimikan ay karaniwang bumibisita sa lugar na ito.

Apat na taon na ang nakakalipas ngunit nakatatak pa rin sa akin ang nakakakilabot na pangyayari sa loob ng CR ng mga babae sa Botanical Garden. Hindi maalis sa aking isip ang misteryosong presensiya na nararamdaman ko sa lugar na yaon.

Grade 11 ako noon, isang STEM student at nataon na may klase kami malapit sa botanical garden ng main building. Habang hinihintay ang aming guro na dumating sa klase, napadpad ako sa tambayan sa botanical garden. Lumabas ako at nagpahangin habang pinagmamasdan ang kagandahan ng mga tanim at bulaklak. May lumang tulay na pinaliligiran ng pond. Ngunit sa paglipas ng oras, kinakailangan ko na mag-CR. Naglakad ako paaalis sa garden sapagkat dito payapa, tahimik at wala masyadong taong gumagamit.

Unang tapak ko pa lamang sa loob ng CR ay nakaramdam ako ng pagkabahala. Ang temperatura ay nagmistulang lumamig at ang paligid ay dumilim na hindi kapani-paniwala. Nakaramdam ako ng panginginig, kaba, bilis ng pagtibok ng puso at ang pawis ko’y nagyeyelo sa lamig.

Sa oras na iyon, napansin ko ang kakaibang enerhiya na nakapalibot dito na nagbigay takot sa aking puso. Ang salamin sa aking harap ay biglang nabasag at nagsimulang yumanig ang loob ng CR na siyang nagtulak sakin upang isipin ang masamang nangyayari sa loob ng CR na iyon. Yung gripo biglang nabuksan ng kusa at lumabas ay rumaragasang dugo.

Nanginginig ang buong katawan ko sa takot at kaba. Lumapit ako ng dahan-dahan sa may pinto na tila naka-lock. Natataranta na ako’t nagsisigaw baka sakaling may makarinig sa akin. Pwersadong hinampas ko ang pinto baka sakaling may makarinig.

At sa aking pagmamakaawa, animo’y may gumapos sa aking katawan. Ibang pwersa ang nagpaharap sa akin sa loob ng CR. Heto na talaga ang pinakakinakatakutan ko. Tila may pwersang pumulupot sa aking bibig, kamay at binti. Bigla akong nawalan ng lakas at nanghihinang humimlay sa sahig ng CR.

“Sino ka?” wala sa sariling tanong ko. Mistulang babae na nakauniform na may bakas ng dugo sa damit at mahaba ang buhok. Wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya tila nakangiti lamang ito sakin at nagpapakita ng mga matang puno ng kasamaan. Ayoko pang mamatay, paulit ulit kong sinabi sa sarili ko.

Nakarinig ako biglang pag-unlock ng doorknob ng CR. Agad kong binuksan at tumakbo ako palabas ng CR. Pagkalingon ko, ang mga mata ng babae na nanlilisik at nakatingin pa rin habang ako’y patakas sa pinangyarihan. Hindi na ako tumigil sa pagtakbo hanggang nakarating na ako sa gate 3 at umuwi.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang napiling biktima ng mahiwagang pangyayari na yaon. Pero sa minsa’y pinag-iisipan ang istorbong iyon at sa tuwing ako ay dadaan doon ang takot at pangamba ay bumabalot pa rin sa akin. Tila anumang oras babalikan niya ako.

Mula ng maganap ang pangyayaring iyon, ang labas ng CR ay ginawang magara upang pagtakpan ang maliit na lihim na nakabaon. Matapos ko ibahagi sa prof ko, naglagay sila ng estatwa ni Mariang Birhen malapit sa lababo nito upang panatagin ang loob ng mga gagamit nito. Maraming taon na ang lumipas ngunit nakatanim pa rin ang aking kwento at ang pinagmulan ng Estatwa ni Maria.

You might want to read…

Crawling Filth of Juan Tamban

Crawling Filth of Juan Tamban

In many Filipino homes, a mother’s warmth is the light that embraces, while a father’s strength forms the walls that protect. But what happens when those walls harden into fists, and that light begins to flicker? Beneath the cold floors, something crawls in the house...

When love leave scars

When love leave scars

A bruise blooms like an ink stain on soft skin—dark at first, then fading to a shadow. But some wounds go deeper. Some settle into the bones, whispering their presence in moments of stillness. Peklat Cream, a hauntingly clever track by Bita and the Botflies, gives...

Ending Period Poverty, empowering Filipina students

Ending Period Poverty, empowering Filipina students

Despite ongoing efforts to promote gender equality, period poverty remains a major barrier to education for many young Filipinas. Period poverty refers to the lack of access to menstrual products, inadequate facilities, and the deep-seated stigma surrounding...