Street Food

Ma. Cleofe Bernardino

March 13, 2024

Tunog ng kumakalam na sikmura ang naririnig ko kanina pa. Nakakaramdam na ako ng matinding gutom sapagkat wala pa ako nakakain kanina pang umaga. Habang nagmamasid ng mga pagkain na tinitinda ng mga tindero, naghahanap ako ng pagkain na mumurahin at pwede na rin makain.

Amoy ng pritong manok ang nalanghap ko kaya napatigil ako sa paglalakad at hanap sa direksyon ng pinagmumulan. Nakipagsiksikan ako sa mataong daan. Hanggang sa napatigil ako sa paglakad, napansin kong may batang nagluluto ng pira-pirasong manok at kinukuha ito, lagay ito sa manila paper.

Mga pirasong manok na lumulutang sa malaking kawali puno ng mantikang kumukulo. Lumapit ako sa batang babae, sabi ko…

“Magkano iyan?”

“Pag tatlo, bente,” wika ng batang babae na nasa edad 12.

Nakarinig uli ako ng pagtunog ng pagkalam ng sikmura ko. Hindi ko na kaya.

“Sige, pabili ng tatlo ha. Yung hindi na masyado mainit.” Para hindi na ako mapaso pag kinain ko na.

Kinuha niya ang tong sabay kuha ng manok isa-isa. Ipinasok niya ito sa isang plastik labo at binigay sakin. Nilabas ko ang isang piraso ng manok. Grabe. Bawat nguya, konting karne at makapal na breading.

Bakit ganun? Habang sinasaid ko ang manok, naisipan ko tanungin ang batang babae.

“Ate, ilang taon ka na?”

“Twelve po.”

“San nanggaling yung manok na niluluto mo?”

“Sa mama ko po. Kinalka—” biglang naputol ang pagkakasabi niya nang dumating isang matanda.

“Ako na dyan. Doon ka na sa bahay at maglinis,” mataray na utos ng ate.

Pagkaubos ko ng kinain ko, nilabas ko ang wallet ko at inabot ko ang kanyang bayad na singkwenta pesos. Binalik niya sa akin ang isang papel na bente at buong sampung piso.

Pagkaabot ko sa bente, nalaglag ang sampung piso at gumulong ito sa daanan palayo sa akin. Nilakad ko agad. Sayang eh. Gumulong nang saglit at lumapag na sa sementadong daanan. Dinampot ko at napatingin ako sa harapan ko sa malayuan. Sa isang tabi ay may tatlong batang nagkakalkal ng mga pira-pirasuhing manok mula sa malaking punit na trash bag.

Nilalangaw pati.

Hinahagis yung mga may karne sa isang planggana.

Mga kamay na sobrang langis at katiting na manok.

Mga pagpag.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...