Photo by Rhencis Baldeo.

Social Sciences Society, nagdaos ng seminar hinggil sa batas militar

Janele Ann Rustia

October 8, 2025

LUCENA CITY – Nagsagawa ang Social Sciences Society (SSS) ng isang seminar tungkol sa epekto ng batas militar sa midya at ekonomiya sa St. Bonaventure Student Center noong Setyembre 30. 

Sina Norman Cualteros, Lorenzo “Erin” Tañada, at Merck Maguddayao ang nagsilbing mga tagapagsalita sa nasabing seminar na dinaluhan ng mahigit 400 estudyante.

Ipinaliwanag ni Cualteros, dating Legislative Officer and Political Affairs Unit Head, ang sistematikong pagsupil sa midya noong diktadura ni Ferdinand Marcos Sr. Kabilang dito ang pagpatay sa mga mamamahayag at pagpapasara ng media outlets. 

Iginiit naman ni Tañada, dating Deputy Speaker at kinatawan ng ika-4 na Distrito ng Quezon, na ang itinuturing na “golden age” noong batas militar ay “reyalidad ng kahirapan.”

Binigyang-diin naman ni Maguddayao, miyembro ng Partido Lakas ng Masa, ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mamamayan, ang epekto ng mga dinastiya sa ekonomiya ng bansa, at ang papel ng  kabataan sa pagpapanatili ng demokrasya. 

Sa ginanap na open forum, sinagot ni Tañada ang tanong ng isang estudyante hinggil sa posibilidad ng deklarasyon ng Martial Law matapos ang riot sa Maynila noong Setyembre 21. 

“Maraming proseso bago ito maipasa sa Kongreso […] sa huli, tayong mga Pilipino pa rin ang magdedesisyon kung papayag tayong magkaroon muli ng Martial Law.” Ani Tañada.

Sa pambungad na pananalita, hinimok ni Claudia Odette Ayala, dekana ng Kolehiyo ng Sining at Agham, ang mga estudyante na huwag ulitin ang mga pagkakamali ng nakaraan at gawing aral ang kasaysayan para sa mas mulat na kinabukasan.

Ayon kay Tiara Gabrielle Estipona, pangulo ng SSS at 3rd year BS Political Science student, layunin ng organisasyon na maipabatid ang mga aral ng kasaysayan sa mas maraming estudyante at hikayatin ang makabuluhang diskurso sa kampus.


You might want to read…

The Secret Inside Sunshine

The Secret Inside Sunshine

When the lights fade and Sunshine begins, we see a girl suspended in midair, a gymnast who is graceful and determined, the embodiment of youth in motion. Beneath her leaps and landings lies another heartbeat, one she never...

Butas ng Skyflakes

Butas ng Skyflakes

Rinig sa buong bansa ang pag-iyak ng langit. Ang tubig ay umaakyat sa dingding, kumakapit sa aming mga tuhod. Sa bubong, kami’y nanginginig sa lamig. Si Tatay ay pilit na binubuhat si Lola, nanginginig ang mga braso, nangingintab sa putik at pawis. Ang bawat hakbang...