Muli na namang namayagpag ang bandila ng mga manginginom sa ating bansa, mapapashot puno talaga ang lahat dahil sa pagsikat ng ating kaibigan sa lungkot, saya, hirap at ginhawa – lambanog, ang pride ng Quezon Province, top 2 na, sa best spirit sa buong mundo. Tagay!
𝗟𝗮𝗺𝗯𝗮 𝗚 𝗣𝗿𝗶𝗱𝗲 𝗻𝗴 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗲
Isa ang lambanog sa mga produkto na tinitingala ng mga taga-Quezon Province ‘pag dating sa alak, ito ay gawa sa dagta ng niyog na inimbak nang apat na araw para mabuo ang apat hangang pitong porsyento na alcohol content, susunod sa destilasyon hanggang sa umabot sa 80-90 proof, ipa-package at inilalagak sa lugar na may tamang temperatura.
Sa tuwing may selebrasyon o anumang okasyon, hindi mawawala ang lambanog sa mesa, kulang ang kasiyahan kung walang mangangamoy chico at tumatawag ng uwak, mapa-fiesta, outing ng pamilya at barkada, birthday party o kahit simpleng selebrasyon lang, kahit wala pa nga eh. G lang sa lamba-G!
Ika nga nila, hindi ka taga-Quezon kapag hindi mo pa ito natitikman, maliban na lang s’yempre, sa mga virgin pa… sa alak. Abot kaya lamang ang produktong ito, kung may baryang pang patak, kaya nang habulin ang isang chismis, dalawang heartbreak at tatlong love songs sa isang hapit.
𝗣𝗿𝗼𝘂𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻𝗼𝗺 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀
Bilang proud tanggero ng produktong ito, kahit mga sober ay mapapasaludo dahil naabot na ng lambanog ang pagiging top 2 sa best spirit sa buong mundo.
Ayon sa TasteAtlas na umabot ng 4.4 out if 5 rating, sumunod sa Speydi Scotch ng Moray, Scotland ang 77 top products ng spirit sa buong mundo. Tinalo nito ang Soju ng Korea, na ngayo’y lumalaganap na rin sa ating bansa. Ang nakakatuwa pa rito’y nakaraang taon lamang ay nakaupo ito sa ika-sampung pwesto, real quick!
Nagpapatunay lamang na habang tumatagal, lalo talagang sumasarap. Dahil rito’y muli na namang umusbong ang pagka-Pinoy na gumising sa mga hangover nating netizens na nagbigay ng samu’t saring reaksyon sa social media at proud na proud na nagbahagi ng mga komento nila.
Kahit mga amats lover na dayuhan ay hindi maitatangging iba ang sipa ng lambanog. Maikukumpara talaga ang sarap ng lasa nito sa produkto ng ibang bansa.
“Sa may Cagbalete nag-camping kami. May South African kaming naka-tropa. Ang alak lambanog. Solve sa amats at bangenge kami sa dalampasigan… Grabe [ang] saya. Better than Russian Vodka daw talaga yung lambanog,” komento ni Kukay San Diego, isang netizen mula sa Facebook.
May iba pang lumabas ang pagka-Quezonian na gumamit pa ng kanilang dayalekto sa pag-imbita na maitagay ang ating produkto. Nananabik dahil sa Quezon Province talaga ang best lambanog na matitikman sa ating bansa.
“Proud Quezonian, tara ho dine sa amin sa Sariaya, Quezon kita’lamy babarik ng lambanog sabay ang pulutan at manggang pihong suray,” ang mensahe naman ni Marvin Martian.
Naipakita sa mga reaksyon nila kung gaano pinagdidikit ng lambanog ang mga atay ng mga manginginom, kung sa iba’y may sanduguan, sa kanila nama’y sang-alakan, isang alak na nagpapatibay ng loob at nagpapatatag ng samahan, isang alak na nagbibigay ng ‘sangkatutak na kainuman—at kaibigan, tandaan lamang na ang diretso nito’y sa tiyan hindi sa utak.
Sabi nga nila, masarap talaga ang kwentuhan kung may umiikot sa mesa, bawa’t tagay ay may mensahe sa lahat na magpatuloy lang, p’wedeng magpahinga, p’wedeng sumuka pero hindi p’wedeng sumuko. Laban lang.
Sa barikan nga’y may pambato na kayang patumbahin ang kabarik, s’yempre sa binabarik din.
Hjndu na nskapagtstkaa na sa susunod na mga taon ay makamit ng Labmanog ang pinskamasrap at pinka-best na spirit sa buong mundo, kotning tgaay pa’t maararntg rin nytun ito. Drkaldjsk moedasktly!