Kakatapos lang ng klase ko sa CNAHS Building at madilim na ang paligid sapagkat magaala-sais na ng hapon, wala na din akong taong nakasalubong.

Mayroon pa akong 6:30 pm class sa CIHTM building kung saan medyo malayo pa ang lalakarin ko kung sa third gate ako lalabas, kaya naman ang pinakamalapit na rota na maaari kong daanan ay ang pasilyo sa ilalim ng library sa may gilid ng canteen, na ang labas ay sa gym na may shortcut papuntang CIHTM building.

Dali-dali na akong naglalakad patungo sa shortcut na dadaanan ko nang bigla akong napahinto sa nakakapanglaw na itsura ng pasilyo sa ilalim ng library. Marami na akong kwentong kababalaghan naririnig tungkol sa lugar na ito, kesyo patay sindi ang ilaw, batang naglalaro, umiiyak raw na babae, mayroon pa nga daw nakikitang mga anino.

At sa pag-alaala ko ng mga iyon, bigla akong kinilabutan, mayroon namang ilaw sa pasilyo ngunit nangingibabaw ang takot ko, kaya’t tinatagan ko na lang ang loob ko at yakap ang sariling naglakad. Wala pa ako sa dulo, bigla akong nakarinig ng ingay mula sa pagbubukas ng pinto sa isa sa mga kwarto, hindi ko mapigilang lumingon, kasabay naman nito ang pagpatay sindi ng ilaw.

Gustuhin ko man sumigaw at tumakbo, hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko, habang nakatingin sa pintuan ng dorm na kusang bumubukas nang dahan-dahan. Kasabay noon ang tila ba mahinhin na iyak ng isang babae, sa nanginginig kong katawan naramdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso. Tila ba unting-unti lumalakas ang pag iyak ng babae na parang naghihinagpis.

“Pssssst!” may sumitsit sa akin. Biglang tumahimik ang lahat. Lumingon ako sa direksyon ng pinanggagalingan nito. Makikita sa malayuan ay may anino na mismong nakadungaw sa gilid ng pader na matatagpuan sa gitna ng hallway, nakatingin sa direksyon ko. Lumingon uli ako sa kwarto, wala na yung babae. Bumaling ang tingin ko sa hallway. Nasa harapan ko na siya. Sumigaw ako sa sobrang sindak kaya sa sobrang pagkataranta, agad tumalikod na ako at nagmamadaling tumakbo palabas sa pasilyo.

Kinabukasan sa classroom, bumungad sakin ang kwentuhan ng mga kaklase ko tungkol sa tila dorm sa ilalim ng library. Hindi ko mapigilang makiisyoso dahil sa nangyari kagabi. Ang sabi-sabi ay hindi na ito pinapaukupahan sapagkat halos lahat tumira doong estudyante ay nawawala sa katinuan mula noong may isang estudyante na na-depressed at tuluyang nagpatiwakal. Baka ito ang rason bakit hindi dapat ito’y dinadaanan ng mga estudyante.

Ngayon naging procurement area ng mga gamit at tulugan na lang ng mga varsity players ang nasabing dorms. Ngunit hindi ko maalis sa isip ko ang maliit na babae naghihinagpis, siya nga ba ang estudyante na nagpatiwakal? Kung gayon, bakit hindi pa rin siya nanahimik? Nagkataon lang kaya ang lahat?

Maaari kong alamin, maaari niyong alamin, ngunit wari ko’y patuloy magiging isang misteryo ang mga kwento ng pasilyo sa ilalim ng library.
-muni

If you, or someone you know struggles from mental health problems, please consult a mental health professional or contact helpline as soon as possible.

You might want to read…

Crawling Filth of Juan Tamban

Crawling Filth of Juan Tamban

In many Filipino homes, a mother’s warmth is the light that embraces, while a father’s strength forms the walls that protect. But what happens when those walls harden into fists, and that light begins to flicker? Beneath the cold floors, something crawls in the house...

When love leave scars

When love leave scars

A bruise blooms like an ink stain on soft skin—dark at first, then fading to a shadow. But some wounds go deeper. Some settle into the bones, whispering their presence in moments of stillness. Peklat Cream, a hauntingly clever track by Bita and the Botflies, gives...

Ending Period Poverty, empowering Filipina students

Ending Period Poverty, empowering Filipina students

Despite ongoing efforts to promote gender equality, period poverty remains a major barrier to education for many young Filipinas. Period poverty refers to the lack of access to menstrual products, inadequate facilities, and the deep-seated stigma surrounding...