Nagsagawa ang Office of the Student Affairs and Services (OSAS) kasama ang College of Criminal Justice and Criminology (CCJC) ng Misa sa St. Bonaventure Student Center, Disyembre 2.
Dumalo ang mga estudyante mula sa departamento ng kriminolohiya at nagbigay-pugay sa paggunita ng unang misa ngayong disyembre sa loob ng Unibersidad matapos ang dalawang taong paghinto dulot ng pandemya.
Sinabi ni Rev. Fr. Ferdinand I. Maańo sa kaniyang homiliya ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan.
Binigyang diin niya na hindi nagtatagumpay ang tao kung wala siyang pakikiisang tumulong at makipagkapwa tao inilahintulad niya rin ito sa parabula ukol sa pagong na hindi maalam makipagkapwa tao.
Dagdag pa niya ang buwan ng disyembre ang simula ng simoy ng hangin na sumisimbolo sa papalapit na pasko kung saan muling nagtitipon at nagkakaisa ang bawat pamilya upang gunitain ang selebrasyon na ito.
Pinangunahan naman ni Kaisser A. Abordo ang First Reading, kasunod ang Responsorial Psalm na binasa ni Dr. Myracel J. Ramos at Prayer of the Faithful ni Dr. Dennis Albert N. Gonzales