Online bentahan, patok sa masa

theluzonianmseuf

August 13, 2020

Maraming tao ang naapektuhan simula nang tumama ang pandemya sa bansa. Dahil na rin sa pag-implementa ng quarantine, maraming pangkabuhayan ang nalugi at napilitang magsara. Kaya’t sa panahon ngayon, labis na nakatulong ang pagiging maparaan ng bawat isa.

Lumaganap ang bentahan onlayn simula noong pinagbawalan ang pisikal na interaksyon dulor ng pandemya kaya’t minabuti ng mga taong maglibang sa Facebook group na Lucena Stay At Home Market upang matipon ang lahat ng mga taong gustong magbenta para may mapagkakitaan.

Layunin nitong mas mapadali ang paghahatid ng pangangailangan ng mga tao at para na rin maiwasan at malimitahan ang kanilang paglabas. Halos and lahat ng paninda ay makikita rito, katulad na lamang ng mga pagkain, gamit, damit, serbisyo at iba pa.

Dahil dito, marami ang natuwa dahil mas bumilis ang pagkakaroon nila ng mga mamimili. Kinakailangan lamang nilang mag-post ng kanilang negosyo at mag-alok ng presyong pasok sa bulsa, tiyak na magkakaroon na sila ng kita.

Ayon din sa isang online seller na parte ng grupo, malaki ang tulong ng Lucena Stay At Home Market, sapagkat nairaraos niya ang pang araw-araw na pangangailangan nila sa bahay sa kasagsagan ng pandemya.

Sa kabila nito, hindi pa rin makasisiguradong ligtas sa kawatan ang online market. Mayroong masasama at mapagsamantala upang makalamang sa iba. Manatiling maingat upang maiwasang maloko at manakawan. Kinakailangan din na lehitimo at sigurado sa mga binibili at bibilhin online.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...