Nagpakitang-gilas ang mga estudyante mula sa College of Marine Education (CME) sa kanilang taunang CME Sportsfest na ginanap noong Nobyembre 14-15 sa MSEUF Gym.
Sa temang “Nourishing People to be physically fit, socially exposed, emotionally upgrade, and mentally upright”, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang galing sa iba’t ibang larangan tulad ng volleyball, table tennis, at badminton. Nagwagi sa championship sina John Melvin Sisi, Ian Padabok, Ivan Abetria, Chadri, Salapare, Gerald Rotagenes, Christian Hernandez, Jericho Dela Mercid, John Henric Monder, John Mark Ortiz, at Laurence Buenaventura.
Sa volleyball championship, nanalo ang pangatlong grupo na binubuo nina Earl Mac Patches(MVP), Draizen Nuera, Aljon Morquicillo, Amiel Obien, Lhogia Emprese, Jude Allen Velena.
Sa male category ng Table Tennis, itinanghal na kampeon si John Marc Raniel habang si Georgina Mae G. Dela Roca naman ang nanalo sa women’s category.
Nakamit naman ni John Laurence P. Soto ang unang pwesto sa larangan ng men’s badminton.