Isinagawa ng CAS Social Sciences Society ang programang pinagamatang “Alumni Talk” na may temang “CASama Kahit Kailan” sa EMRC VI-A noong Enero 27, 2023 kung saan nagbahagi ang mga dating miyembro nito sa mga kasapi ang kanilang mga kwento tungkol sa kanilang pagiging bahagi ng organisasyon.
Nagsilbing mga panauhin sa nasabing palatuntunan sina Remz Paulo Ramirez at Konsehala Jaica Ricamora ng Buenavista, Quezon na kapwa ring naging pangulo ng samahan.
Nagbigay ng diskusyon si Ramirez ng mga katangiang dapat taglayin upang maging isang mabuting lider.
Binahagi naman ni Ricamora ang kanyang karanasan sa organisasyon upang magbigay-inspirasyon sa mga miyembro na tumayo at manindigan sa katotohanan.
Kasama sa nasabing programa ang mga kasalukuyang miyembro nito, katuwang ang mga tagapayo na sina G. Arby Lagman at G. John Kristoffer Tibor.