Lynx wagi muli sa dancesport competition

theluzonianmseuf

October 28, 2023

Muling namayagpag at nadepensahan ng CAS Lynx ang kanilang korona bilang kampeon sa ginanap na Dance Sports Competition ng Intramural Games 2023 sa University Covered Court, Okt. 28.

Hinakot ng mga representate ng College of Arts and Sciences (CAS) Lynx ang kampeonato sa parehas na Latin at Modern Standard na kategorya upang mapanatili ang kanilang titulo bilang kampeon ng Intramurals Dance Sports Competitions.

Pinakita ng representate ng Lynx na si Krissom Ariem Palima at Kent Forneste ang kanilang masisiklab na galawan at sigla sa pagsayaw sa Latin Category na nagpahiyaw sa mga manunuod.

Nagwagi rin sa Latin Category bilang ikalawa at iktlong pwesto ang College of Education (CEd) Jaguars at College of Business and Accountancy (CBA) Lions nang magpakita ng malulupit na giling at kagila-gilalas na performance.

Hindi rin nagpahuli ang Lynx na sina Daniela Marie Martinez at Neil Balana nang magpakita ng matitikas na galaw upang maiwuwi ang korona sa Modern Standard Category.

Bagama’t nasa ikalawa at ikatlong pwesto, napatunayan pa rin ng CNAHS Leopards at CCJC Cheetahs ang kanilang talento sa nasabing larangan.

Binigyan din ang CBA Lions ng pagkilala bilang ikaapat na grupo na nakaagaw ng pansin ng mga hurado at ang madla.

You might want to read…

Buhay sa Gatilyo ng Langis

Buhay sa Gatilyo ng Langis

"Puro estudyante pa ang sakay! Maawa naman kayo sa amin—regular na ang ibayad niyo!” Nabasag ang ugong ng makina ng jeep sa sigaw na ito ng tsuper. Bilang isang pasaherong anim na beses sumasakay ng jeep araw-araw para makapasok at makauwi mula sa aking internship,...