Disclaimer: Ang akdang ito ay hango sa tunay na kaganapan sa Batangas.
Sahig na puro dugo. Libo-libong linta. Tiyan ng isang babae na may ng puno ng malalalim na laslas. Iyan ang mga imahe na hindi ko maalis sa utak ko matapos kong masaksihan ang pagkamatay ng kapatid kong babae dahil lamang sa pagkalaglag niya sa man-made pond na matatagpuan sa ilalim ng Banyuhay Bridge.
Balikan natin ang pinagmulan nito. Ito’y naganap noong 1975 kung saan umuwi si Ate Dennis sa amin na basang basa ang kanyang buhok pati ang kanyang uniporme.
Lumingon ako sabay tiningnan siya na may kasamang pagtataka, “Anyare sayo, Ate?” Bakas sa mukha niya ang pagkainis sa nangyayari. “Napalakas ang tulak sa akin ni Cheska, yung kaklase ko,” boses niya tila may bahid ng kasinungalingan.
“San ka ba nalaglag, ate?” tanong ko sa kanya.
“Sa ilog ng Banyuhay,” diin niya.
Napalingon ako sa kanya at sinabi, “Bat ka niya itutulak? Tanga ba siya?” Nagmadali akong naglakad palabas ng bahay, handang sugurin si Cheska. Uminit ang ulo ko sa kagaguhan ginawa kay Ate. Ngunit, dalawang kamay ni Ate ang biglaang pumigil sa akin.
“Hayaan mo na at nagsorry naman siya sa akin,” pahayag niya.
“Pag inulit niya ito sayo, masasampal ko to ng todo,” banta ko sa kanya.
Makalipas ang apat na linggo, napapansin kong tumatamlay ang kapatid ko. Namamayat. Nagsusuka ng dugo. Lumalaki ang tiyan. Nakakapaso ang kanyang noo sa sobrang taas ng kanyang lagnat. Maraming kumakalat na chismis na siya ay buntis ng kaklase niya. Hanggang sa isang araw, hindi mapanatag ang loob ko kaya kinompronta ko na siya.
“Ate, tapatin mo nga ako. Totoong nabuntis ka ba?” tanong ko sa kanya.
“Hindi, maniwala ka sa akin, nagsasabi ako ng totoo,” sabi niya sa akin. Kailanman hindi siya magsisinungaling sa akin.
“Eh ano ba ang nangyayari sayo? Nanghihina ka. Nagsusuka ka. Ayaw mo na pumasok. Ipaliwanag mo sa ang nangyayari,” nagmakaawa ako sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay.
“Hindi ko alam, mula noong nalaglag ako sa ilog nakakaranas na ako ng sintomas ng sakit,” sabi niya.
“Anong meron sa ilog na iyon? May nararamdaman ka bang noong nalaglag ka sa ilog?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko na alam. Ayoko na maramdaman ito. Araw-araw puro sakit ang tinitiis ko. Wala tayong pambayad ng pangkonsulta sa doktor.” biglang humina ang boses niya at lumapit sa akin, “May nararamdaman ako sa loob ng tiyan ko.”
Dumating na ang gabing hindi ko inaasahan. Humahagulgol sa sakit si Ate. Hinihilab niya ang kanyang umbok sa tiyan. Natataranta ang mga magulang namin sa nangyayare. Nakahiga siya sa kama at pinipilit niyang ilabas kung ano ang nasa loob ng tiyan niya. Ngunit nabigo. Namumuo na ang pawis sa kanyang noo at pinipilit niyang imulat ang kanyang mata.
“Kailangan na natin hiwain ang tiyan niya,” sagot ng kumadrona.
“Huwag,” sigaw ko sa kanya.
“Wala na tayong magagawa, nahihirapan na siya,” nagpaliwanag ang kumadrona.
Nilabas niya ang kanyang matalim na bolo saka hiniwa ang tiyan niya. Matapos niya mahiwa, malakas na tunog ng pagkabagsak ng bolo sa sahig ang nagpaingay sa kwarto. Unti-unting lumayo ang kumadrona.
“Lumayo na kayo sa kanya. Delikado na,” banta ng kumadrona.
Lumapit na ako sa ate ko. Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na masikmura sa nakita kong walang kamalay malay ang kapatid ko. Kung titiningnan pababa, mararaming linta ang lumalabas mula sa laslas ng tiyan ng ate ko. Tumapang ang masangsang na amoy sa kwarto.
“Sunugin na natin tong pamamahay!” sigaw ng tatay ko
“Wag!”, nagmamakaawa ako.
“Kailangan na nating umalis bago pa kumalat ito sa lahat!” sumagot siya.
Naglabas sila ng gasolina at binuhos sa katawan ng Ate ko pati na rin sa buong bahay. Pagkatapos nito, sinindihan ni Tatay ang kapirasong posporo at tinapon sa linya ng gasul. Sumabog ang buong bahay namin kasama na ang kapatid ko. Sobrang karumaldumal ang nangyari sa kanya. Hindi ko inakala na ang simpleng pagtulak sa kanya ay mauuwi sa trahedya.