Kulubong

artwork by Florian San Juan

Kulubong

Daniel Calusin

August 21, 2024

Tuwing ako’y matutulog

Ay may kumot na nakasuklob

Bigat ng damdami’y tinatanggal

Yumayakap sa kaluluwa kong tinataglay

Pinapawi mga pangamba ko’t pagpapagal

Bawat sandali’y tila marahuyo

Kaya’t sa kinatagala’y damdamin ay napalayo

Tila yata ako’y nakalimot

Sa init ng yakap na dala ng aking kumot

Kaya’t pagkatakot sa aki’y bumalot

Sa kinatagala’y ako’y muling napagod

At nang muling mahimlay

Ay may kumot nang nakalagay

Sa pahingang panghabangbuhay

You might want to read…

Buhay sa Gatilyo ng Langis

Buhay sa Gatilyo ng Langis

"Puro estudyante pa ang sakay! Maawa naman kayo sa amin—regular na ang ibayad niyo!” Nabasag ang ugong ng makina ng jeep sa sigaw na ito ng tsuper. Bilang isang pasaherong anim na beses sumasakay ng jeep araw-araw para makapasok at makauwi mula sa aking internship,...