Karanasan sa Tawag ng Tanghalan, puhunan ng kampeon ng Vocal Solo mula sa CEd

Joshua Perez

October 28, 2023

Inungusan ng dating kalahok ng Tawag ng Tanghalan na si John Joseph P. Husana ang siyam na katunggali sa Vocal Solo Competition matapos tagumpay na naipamalas ang husay sa pag-awit sa Intramural Games 2023, Okt. 28.

Binigyang buhay ni Husana mula sa College of Education ang kantang Salamat Salamat Musika ni Nanette Inventor gamit ang sariling rendisyon na nagpabilib sa mga manonood sa University Covered Court.

Sinalubong naman agad ng hiwayan at palakpakan ang kalahok nang matapos itong kumanta dahil sa kakaibang atake nito sa pag-awit.

“Grabe, parang nanonood ako ng live singing competition sa TV nung kumanta siya,” ani ng isang estudyante matapos bumilib sa malinis na pag-indayog ni Husana sa sariling musika.

Samantala, nakamit naman ni Lawrence Acodili ng College of Computing and Multimedia Studies ang 2nd place nang kaniyang awitin ang sariling bersyon ng Bakit Ba Ikaw ni Michael Pangilinan.

Pinakilig naman ni Matti Mondejar ng College of Arts and Sciences ang madla gamit ang sariling interpretasyon ng Buwan ni Juan Karlos na nagkamit ng 3rd place.

Irerepresenta naman ni Husana ang Manuel S. Enverga University Foundation sa darating na vocal solo competition ng Private Schools Athletic Association na gaganapin sa 2024.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...