Bagama’t dalawang beses ginanap ang Intramural Games ngayong taon, ginimbal pa rin ng maingay na hiyawan at palakpakan ang muling pagbubukas ng palaro na may temang “The MSEUF Intramural 2023 Roaring Wildcat: EUmbracing The Maroon and White Sports”, Oktubre 26.
Rumatsada papasok ng University Gymnasium ang sampung departamento na pinangunahan ng CAFA Panthers, CCMS Sabertooth, CENG Tigers, CBA Lions, CAS Lynx, CED Jaguars, CITHM Bobcats, CNAHS Leopard, CCJC Cheetah at CME Puma.
“The management is aware that we have now a very big family, 8,700 students and you will observe that even our gymnasium and other facilities are not enough to accomodate you. The management is preparing for the improvement of all these facilities,” ani Vice President for Administration Dario R. Opistan.
Dagdag pa, ang Intramural Games na ito ay isang makabuluhang pagkakataon hindi lamang para sa mga estudyante, kundi pati na rin para sa mga guro at iba pang kawani ng paaralan na ipakita ang kanilang pagsuporta at interes sa larangan ng isports.
Ito rin ang magsisilbing daan upang maisulong ang mga bagong pasilidad na itatayo ng Unibersidad.
Ang Intramurals 2023 ay hindi lamang tungkol sa pagsusulong ng kahusayan sa palakasan, kundi tungkol din sa pagkakaisa, paglago at pag-unlad ng bawat departamento.
Sa bawat pagsabak sa mga labanan, nagkaka-isa ang bawat indibidwal tungo sa iisang layuninโang pagtatagumpay.