Layout by Lorrein Luna and Yestin Kim | Drawing by Cyra Marielle Jael | Photo by Daniel Calusin

Ikaw na ang Susunod…

Lycamae Penarejo

November 3, 2024

Alas-siete na ng gabi. Tahimik ang canteen ng Enverga. Ang mga fluorescent na ilaw sa kisame ay mahina at nanginginig, nagkikislapan na para bang may sariling buhay. Sa bawat saglit, pinapatay-sindi nito ang mga anino sa paligid, dinuduyan ang mga upuan at mesa sa isang nakakabagabag na sayaw. Ang amoy ng huling lutong pagkain ay bumabalot sa espasyo, unti-unting nababalot ng malamig na samyo ng sabon at pawis.

Ako si Rico, wellcare, naabutan kong ako na lang ang narito. Habang hinihila ko ang mop sa basang sahig, nararamdaman ko ang bawat lamig na pumapaloob sa aking binti, parang may kinikiskis na yelo sa aking balat. Ang katahimikan ay mabigat, humihinga sa bawat paggalaw ko.

Walang anu-ano, nakarinig ako ng mahina at parang paggaslaw mula sa malayong dulo ng canteen, malapit sa banyo. Tumigil ako, nakatutok ang mata sa madilim na sulok. Doon, sa malabong ilaw, may isang pigura na nakatayo. Ang katawan ay patagilid, ngunit ang mukha ay nakatuon sa akin, matalim ang tingin, tulad ng bakal na nakatusok sa laman.

Habang pinagmamasdan ko, lumalapit siya nang unti-unti, marahang nagpapakita ang mga anyo ng kaniyang mukha. Ngunit sa bawat hakbang ko, sa bawat pag-usog ng mop, mas nagiging malinaw ang kaniyang itsura—bilog ang kaniyang mukha, ang mga mata ay bilugan at walang buhay, ngunit tila humihigop ng liwanag mula sa paligid. Ang kaniyang ilong—matangos, at ang kaniyang balat ay maputlang-maputla, tila walang dugo na dumadaloy.

Napansin ko ang hindi nakapapaniwalang bagay: ang bawat detalye ng kaniyang mukha, ang bawat pagkilos, ang bawat pilantik ng kaniyang mata—tila ako ang kanyang sinasalamin.

Hindi ako makagalaw, ang mga binti ko’y tila nakaugat sa sahig. Ang kaniyang labi, mapupula, ay bumaluktot sa isang pilyo at malamig na ngiti. Naramdaman ko ang malalim na malamig na kirot sa dibdib, tila may mahigpit na hawak na sumasakal sa akin. Siya ang anino ko, ngunit mas malamig, mas mabagsik, at mas buhay sa dilim. Ang mga mata niya, nagbabaga sa ilalim ng maputlang balat, ay naglalaman ng mga hiwagang gustong sipsipin ang aking sarili, parang ipinasisid ako sa walang hanggan.

Lumapit siya, walang tunog ang kaniyang mga yapak, ngunit rinig ko sa aking pandinig ang bawat pagtibok ng aking puso, bawat paghinga na puno ng takot. Nang siya ay huminto sa harap ko, nakikita ko ang bawat linya ng kaniyang mukha, ang mga sugat na parang malalalim na hiwa na nagpapaigting ng kanyang nakakatakot na anyo. Ang kaniyang katawan ay tila malamig na marmol, nakabaon ang pangungutya sa kanyang presensya, parang hinuhubaran ako ng bawat pagtingin niya.

“Ikaw na ang susunod…” bulong niya, ang kaniyang tinig ay mabigat at puno ng pangako, tila nagmumula sa malalim na hukay ng lupa. Hindi ako makasagot, hindi makapagsalita. Tumakbo ako, ngunit sa bawat pintong tinakasan ko, naroon siya, nakaabang, nagmamasid sa bawat sulok. Parang lumalagapak ang bawat hakbang ko, parang kinakain ng sahig ang bawat tunog ng aking mga paa.

Habang lumalayo ako, naririnig ko pa rin ang boses niya sa likuran ko, na parang hindi siya nawawala sa aking pandinig—“Ikaw na ang susunod…”

Pagdating ko sa silid ko, may malamig na anino na sumasabay sa akin. Sa salamin, makikita ko ang repleksyon niya, ang bawat detalye ng kaniyang mukha, ang mga mata niyang walang buhay ngunit nagbabaga sa ilalim ng aking balat. Siya ang aking anyo, ang aking anino na naghihintay sa bawat pagkakataon na makuha ang aking buhay. Ang boses niya’y patuloy na umaalingawngaw sa aking utak, ang mga salitang, “Ikaw na ang susunod…” ay nagiging sumpa sa bawat gabing ako ay mag-isa.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...