Ghost Season

theluzonianmseuf

January 13, 2024

Alas nueve y media na ng gabi at kalalabas lang namin sa klase. Habang nilalakad ko ang kahabaan ng banyuhay bridge nakita ko si Dan sa may OSAS, kasama niya ang kanyang barkada, kumaway ako rito at sumigaw  “Dan antayin mo ‘ko sa may Student Lounge sabay tayo umuwi!”

Tumango naman siya sakin. Sa aking paglalakad hindi ko maiwasan makaramdam ng panlaw, madilim at tahimik ang lapigid.

Noong una chill lang ako matapang ako e, kaya ko nga manuod ng mga paranormal at horror stories eh. Pero habang papalapit ako sa tagpuan namin ni Dan, napatigil ako nang may natanaw akong anino sa may kawayanan, baka naman guni-guni lang ito, sa pagsilip ko muli nawala ang pigura.

Medyo kinabahan ako dahil wala akong kasama, pinaspasan ko ang lakad kahit ang masakit na ng paa ko at madami pa ang labit ko. Nang malapit na ako sa student lounge hinanap ko agad si Dan sa paligid, madilim at patay na ang ilang ilaw, at nang makarating ako wala roon si Dan.

Naupo muna ako dahil sa isip ko baka naman nagCR lang siya, nagcellphone muna ako habang naghihintay baka sakaling magchat si Dan.

Tahimik ang paligid, patay na rin ang mga ilaw, wala na rin ibang estudyante. May nahagip ang aking mga mata, isang itim na pigura, kasabay nito ang kaluskos ng mga dahoon at malamig na hangin.

Sa hindi kalayuan, sa may puno ng balete napansin kong nakatitig sakin ang pigura na yon at naglalakad siya papalapit sa aking direksyon. Mabilis ang tibok ng aking dibdib, umurong ako para magtago papunta sa dulo ng student lounge, hindi ko magawang umimik at tumawag ng pansin baka sakaling may makarinig.

Pumasok na siya sa student lounge at patuloy siya sa paglapit sa akin, nagtago ako sa ilalim ng lamesa, tinakpan ko nalang ang aking tenga at ipinikit ang mata habang nagdadasal na sana umalis na ang maitim na pigurang aking nakikita.

Maya-maya may naramdaman akong lumapat na kamay sa aking balikat, malamig ito at medyo magaspang. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at nakita ko si Emjay, ang aking kaklase. “Ano ba ginagawa mo rito, wala ka bang kasama? Gabi na nandito ka pa sa student lounge pawis na pawis ka pati para kang nakakita ng multo” ani Emjay “Hinihintay si Dan.” nangangatog kong pagsagot. “Kanina pa umalis si Dan.”

Nakakahiya ang pangyayari na ‘yon akala ko may nagmumulto na sakin. Wari ko’y mamamatay ako sa takot at kaba dahil do’n. Inikwento ko kay Emjay na napagkamalan ko siyang multo at sabay na kaming umuwi. Kinabukasan hindi na nagpaparamdam si Dan, kahit chat o anino wala.

Hay nako, akala ko sa Enverga mahahanap ang forever, for me. 

Hindi ako makapaniwala na ghinost ako ng isang Envergan, mga engineering dept talaga.

Ikaw anong #KwentongEU mo?

You might want to read…

Crawling Filth of Juan Tamban

Crawling Filth of Juan Tamban

In many Filipino homes, a mother’s warmth is the light that embraces, while a father’s strength forms the walls that protect. But what happens when those walls harden into fists, and that light begins to flicker? Beneath the cold floors, something crawls in the house...

When love leave scars

When love leave scars

A bruise blooms like an ink stain on soft skin—dark at first, then fading to a shadow. But some wounds go deeper. Some settle into the bones, whispering their presence in moments of stillness. Peklat Cream, a hauntingly clever track by Bita and the Botflies, gives...

Ending Period Poverty, empowering Filipina students

Ending Period Poverty, empowering Filipina students

Despite ongoing efforts to promote gender equality, period poverty remains a major barrier to education for many young Filipinas. Period poverty refers to the lack of access to menstrual products, inadequate facilities, and the deep-seated stigma surrounding...