Galing sa Paniniwala

Jasper Tabernilla

March 28, 2024

Unti-unti akong lumapit
At nagsimula ng orasyon
Nagtirik ng puting kandilang
Mauupos ng panahon

Hinigpitan ko ang pagkapit
Sa kamay ng mga dibuho
Tanda ng pananampalataya
Na nag-ugat pa sa mga ninuno

Taimtim ang ginagawa kong pagdarasal
Sambit sambit ang libo-libong mga hiling
Umaasa sa isang himala
Na hindi naman tiyak kung darating

Lumuluha nang nakatungo
Mga mata’y nagmamakaawa,
“Kung totoo ka, Oh Diyos ko!
Iparamdam mo ang pag-alaga.”

Sa malakas na sampal ng hangin
Balahibo sa katawan ay nagsitaas
Tila yakap ang bumalot sa’kin
At nag-iba ang pakiramdam

Umaagos na luha ay napawi
Na parang nabawi ang aking sakit
Kaya sa loob ng simbahan
Sobrang lakas kong isinambit

“Totoo Siya! Totoo Siya!”
Napalingon ang mga tao
Baliw na ang tingin nila sa akin
Pero hindi ko na pinansin ito

Ang mahalaga
Sa aking paniniwala
Totoo Ka!
Totoo Ka!

Litrato ni: Yestin Kim Roxas

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...