Galing ng mga manlalaro, bumida sa bakbakan sa Table Tennis ng Intrams

Ma. Cleofe Bernardino

October 26, 2023

Hindi pinalagpas ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang departamento ang pagkakataon na ipakita ang kanilang husay sa larangan ng Table Tennis sa isinagawang Intramural Games 2023 sa University Gymnasium, Okt. 26.

Kani-kanilang diskarte ang ipinamalas ng mga kalahok sa kompetisyon na siyang naging daan ng ilan upang maihatid ang inaasam na mga medalya para sa kanilang mga departamento.

Sa Single A ng dibisyon ng mga kalalakihan, pinatikim ni Juan Miguel Sebastian Beloso ng College of Nursing and Allied Health Sciences (CNAHS) Leopards kay Kim Arano ng College of Engineering (CEng) Tigers ang pagkatalo sa kanilang pinal na pagtutuos, 3-1.

Bumawi naman ang pambato ng College of Computing and Multimedia Studies (CCMS) Sabertooth na si Jhoram Bala mula sa kaniyang pagkatalo sa unang set ng laro laban sa College of Maritime Education (CME) Puma na si Calvin Escalada upang iuwi ang gintong medalya sa Men’s Single B, 3-1.

Tila binawi naman ng mga Puma na sina Shannon Alzola at Rusell Evangelista ang pagkatalo ng kanilang kasamahan nang kanilang talunin ang Sabertooth na sina Sherwin Roazon at Nino Elma sa Men’s Doubles, 3-1.

Samantala, kapwa mga pambato mula sa College of Architecture and Fine Arts (CAFA) Panthers at College of Arts and Sciences (CAS) Lynx ang nag-gitgitan para sa kampeonato ng Women’s Single A at Single B.

Tinuldukan ni Aila Tabernilla ng Panthers ang labanan sa Women’s Single A kontra kay Charleu Brusas ng CAS Lynx, 3-0, habang ang Lynx naman na si Cyred Van Axle Sacriz naman ang namayagpag sa Women’s Single B laban kay Dasyree Dungan ng Panthers, 3-0.

Isang ginto pa ang naiuwi ni Sacriz para sa CAS Lynx nang maungusan niya at ng kapareha niyang si Mary Azagra ang duo ng CNAHS Leopards na sina Alliah Avila at Lei Agnes Barrera sa Women’s Doubles, 3-0.

Kasama naman ni Tabernilla ang kapwa Panther na si Niel Dacasin sa pagkamit ng kampeonato sa Mixed Doubles kontra kina Trisha Mae Pineda at Jhoram Bala ng Sabertooth, 3-0.

Sa huli, kapwa nagkamit ang CAFA at CAS ng tig-tatlong gintong medalya sa nasabing patimpalak.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...