EU, pinuri ng Royal Van Oord Dredging Int’l

theluzonianmseuf

September 8, 2020

Ikinalugod ng Royal Van Oord Dredging International, mula sa Netherlands ang paghahanda ng Pamantasang Enverga sa pamumuno nina Chairman/CEO Wilfrido Enverga, Pangulong Naila Leveriza at Vice President for Academics and Research Benilda Villenas sa pagbisita ng organisasyon, Agosto 14.

Layunin sa pagbisita ng Royal Van Oord Dredging International na suriin ang cadetship program ng Pamantasan upang makapamili ng mga kadeteng sasanayin sa Netherlands sa unang pagkakataon. 

Kapansin-pansin na lubos ang kanilang papuri sa mga kadeteng kanilang kinapanayam. “Of all the universities in the Philippines that we have been so far, Enverga University cadets are the best. They can articulate and explain themselves well,” wika ni Henriette Schreuders, personnel manager ng Royal Van Oord Dredging International.

“They can express themselves even if we tweaked our questions and their confidence was admirable,” added Chief Engineer Huig Van Duijn and Master Pieter de Beurs. 

Pinangunahan naman nina Capt. Joel Porto, dekano; Chief Engr. Rhett Luena, shipboard training officer; Leah Salas, administrative officer at Capt. Willy Sulong, department chair, ang paghahanda sa isinagawang programa. 

Sinalubong ng mga kadete ang mga bisita ng isang silent drill exhibition sa AEC Quadrangle. Sa pagsisimula ng palatuntunan, tinugtog ng MSEUF Chamberwinds ang mga pambansang awit ng Netherlands at ng Pilipinas. 

Binisita rin ng mga kinatawan ng Royal Van Oord Dredging International ang iba’t ibang laboratoryo ng College of Maritime Education (CME) kasama ang mga opisyal ng kanilang ahensya sa Pilipinas, ang TSM International na pinamumunuan ni Chief Engineer Artemio Serafico at Pretty Mariano, MST division manager. 

Sa ginawang pakikipanayam sa mga kadete, anim ang napiling lalahok sa Royal Van Oord cadetship program. Tatanggap ang mga kadete ng libreng tirahan, pang-araw araw na pangangailangan at allowance mula sa kompanya. 

Ang anim na kadete ay sina Mark Lloyd de las Alas, Ryan Jay Bautista, Rico Ascona, Gallardo Demandante III, Jollybelle Jamito at Rhonamae Gadia. Dahil dito, inaasahan ang higit na pagdagsa ng mga estudyanteng kukuha ng mga programang Marine Engineering at Marine Transportation sa Pamantasan. 

“Isang malaking pagkakataon ang mapabilang sa isa sa mga tinitingalang kumpanya sa larangan ng inhinyeryang pangkaragatan sa buong mundo,” wika ng mga kadeteng lilipad sa Netherlands, bago magtapos ang taon. 

May pagkakataon silang mahirang na crew ng Van Oord Dredging International at masanay na maging opisyal ng mga barko ng kompanyang Dutch.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...