Enverga ipinagdiwang ang ika-labindalawang taon ng Fiestanglaw

Lycamae Penarejo

January 13, 2024

Ipinagdiwang ng Manuel S. Enverga University Foundation ang ika-labindalawang taon ng Fiestanglaw sa University Gymnasium, Disyembre 6 na may temang #SaEUMagmumula ang Pasko.

Nagkaroon ng iba’t ibang kompetisyon tulad ng Christmas Cantata, Parol Making and Three Kings na kinalahukan ng mga estudyante ng Enverga. Nagsagawa rin ng parada ng mga kalahok sa Parol at Three kings mula St. Bonaventure Hall papuntang University Gym.

Tatlo lamang ang nagwagi sa labing-isang kalahok ng parol making, nasungkit ng Entry no. 5 mula sa College of Engineering (CEng-PSME) ang ikatlong karangalan, Entry no. 7 mula sa College of Nursing and Allied Health Sciences (CNAHS-DSC) ang naguwi ng ikalawang pwesto, nakuha naman ng Honor Society of the Lambda Kappa Phi (HSLKP) ang unang karalangan.

Sa tagisan ng boses nakamit ng Entry No. 2 mula sa CNAHS ang ikatlong pwesto, Entry no. 5 mula sa CED ang nakasungit ng ikalawang pwesto at hinirang ang Entry no.6 mula sa College of Arts and Sciences (CAS) na kampeyeon sa Christmas Cantata.

Samantala, sa larangan ng three kings around the world hinirang sa ikatlong pwesto ang Arabia ng Entry no. 1 mula sa College of Maritime Education (CME).  Kinilala sa ikalawang pwetso ang Thailand ng Entry no. 5 mula sa College of International Hospitality and Management (CIHTM) at tinanghal bilang panalo ang bansang Africa ng Entry No.2 mula sa College of Education (CED).

Matapos ang anunsyo ng mga nanalo sa nasabing patimpalak sinundan ito ng Christmas Lantern Switch-On kung saan sabay-sabay na pinailawan ang mga parol kasabay ang mga fireworks sa labas ng University Gymnasium.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...