Diktador

Lycamae Penarejo

January 14, 2024

Wari ni Ryn, mag iisang oras na siyang nanunuod ng telebisyon. Pero gusto niya pa rin manuod kahit may pasok pa. Palagay niya’y dapat pa niyang sulitin ang panunuod bago dumating ang bukas.

Huwebes ng umaga ika-21 ng Setyembre 2021. Binuksan ni Ryn ang kaniyang selpon at nag scroll sa twitter. Nakita niya ang iba’t ibang post ng mga tao tungkol sa nangyaring martial law. “ika-49th na taon na pala mula ng ma-proklama ito” ani niya.

Ilan sa mga nabasa niyang tweets “Mayaman na, nakuha pang magnakaw” “Hindi bayani si Marcos” “Hindi payapa ang regime ng mga Marcos”

Sumingaw ang balita at iba’t ibang panig ang lumalabas sa timeline ni Ryn mayroong mga taong pinagtatanggol ang Marcos meron naman mga hindi.

Lumipas ang ilang oras matapos patayin ni Ryn ang kaniyang selpon at nagklase. Art Appreciation ang kaniyang inaaral. Nag iwan rin ang kaniyang guro ng panunuorin na materyal na pinamagatang “Ang mga Alingawngaw sa Panahon ng Pagpapasya.”

Pinanuod niya ito. Tahimik at madilim ang bawat eksena wala masyadong imik pero kita sa mata ang poot at hinagpis. Natapos niya itong panuorin.

“Nay, ilang taon ka ba nung nagkaroon ng Martial Law?” tanong niya.

“Anim na taon lamang ako noon. Tanda ko may curfew at maraming mga militar ang nakabantay sa aming bayan. Nakakatakot.”

Bumalik sa pagscroll ng kaniyang account si Ryn. May ilan siyang napanuod na documentary mula sa mga taong nakaranas sa hagupit ng Martial Law.

Kasabay ng problema sa COVID-19 nanawagan rin ang mga tao na pagbayarin ang mga Marcos. Hiling nilang ibalik ang ninakaw mula sa bayan.

Lumabas ng bahay si Ryn at umiwas sa mga nakikita at napapanuod niya tungkol sa Martial Law. Umupo ito at sumandal sa dingding. Nakatingin sa kawalan at tila nag iisip.

Naalala niya ang linya ng tula mula sa short film na kaniyang napanuod.

“Hubad na Katotohanan

Sagad na Kasamaan

Kurakot na Kamag anakan

Sandamakmak na kababawan

Niyurakang Karapatan

Hatid ay kamatayan”

Naisip rin niya ang mga taong walang awang pinatay noong mga panahon na iyon. Bumubulwak na poot at galit ang namumuo ang kaniyang dibdib habang inaalala ang mga napanuod at nabasa niya rito.

Paano kaya kung hindi na-proklama ang Martial Law maginhawang buhay kaya ang natamasa ng mga Pilipino? Paano kung hindi sila nakulong sa sarili nilang bayan?

Sa isip ni Ryn, sana hindi na lang napunta sa kamay ng isang diktador ang ating inang bayan

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...