Deliberasyon ng mga org sa MSEUF, itinuloy sa Zoom

Gabriel Biler

September 24, 2020

Bagama’t may pandemya, matagumpay na naisagawa ang deliberasyon ng iba’t ibang student organizations ng Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF) sa pamamagitan ng Zoom Cloud Meeting noong ika-15 ng Setyembre. 

​Mula sa 46 na aplikanteng student organization noong nakaraang taon, 25 lamang ang sumabak sa deliberasyon ng kanilang mga natapos nang gawain (2019-2020) at mga planong kaganapan sa kasalukuyang taon (2020-2021). 

Kanilang dito ang iba’t ibang student organization ng College of Engineering kung saan pinakamarami ang naita tulad ng Philippine Institute of Civil Engineers, Philippine Institute of Industrial Engineers, Philippine Society of Mechanical Engineers, Enverga University Computer Engineering Student Society, Geodetic Engineer of the Philippines – QSC, Institute of Integrated Electrical Engineers at Technology Math Club.

Sa kabilang banda, naghayag din ang mga organisasyon sa College of Arts and Sciences ng kinabibilangan ng MSEUF Mass Communication Society, Social Sciences Society at CAS Psychological Society.

Kasama rin sa araw ng iyon ang A Group Harvesting Acquired Knowledge Through Scientific Method, Council of English Enthusiasts at Mathematics Society ng College of Education. 

Dagdag pa ang mga student organization sa College of Business and Accountancy gaya ng CBA Academic Circle, Society of Financial Management Students at Junior Philippine Institute of Accountants.

Nagpresenta rin ang Enverga Bar Flippers, El Turio Society, Enverga Cuisineros at HRM Society ng Institute of International Hospitality Management and Tourism.

Nag-iisa naman ang United Architects of the Philippines- Student Auxillary sa College of Architecture and Fine Arts.

Nakapag-ulat ng din ang mga non-academic organization tulad ng Wildcats United Taekwondo Club at Dr. Neils Mulder Scholarship Foundation.

Samantala, tanging ang Honor Society of the Lambda Kappa Phi at Honor Society of the Lambda Sigma lamang ang nakapag-ulat sa mga fraternity at sorority ng pamantasan.

Ang Office of Student Affairs and Services, sa pamumuno ng OSAS Director, Rosario Rago, katuwang ang mga panelist na sina Roderick Rabina, Office of Student Organizations Coordinator; Liandro Serrano, Guidance Councilor; at Anjelyn Jalla, University Collegiate Student Council Secretary-General ang namahala sa nasabing deliberasyon.

Inaasahang makapagsusulit ng mga kinakailangang papeles ang mga student organization na nabigong mapabilang sa deliberasyon hanggang sa katapusan ng Setyembre.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...