Dalawa tayong naglalaro noon

Daniel Calusin

February 29, 2024

Kuhang kuha mo bawat bolang
gumugulong sa bangang inasinta mo.
Alam na alam mo kung pano sila makukuha.
At heto naman ako,
patuloy na nagpapagulong at malapit nang mahulog.

Hindi ko alam kung sa bola ba
ako aasinta o sa tingin mong ayaw magpatalo.

Parang talo na naman ako.
Kailan kaya ako mananalo sa’yo?

You might want to read…

Buhay sa Gatilyo ng Langis

Buhay sa Gatilyo ng Langis

"Puro estudyante pa ang sakay! Maawa naman kayo sa amin—regular na ang ibayad niyo!” Nabasag ang ugong ng makina ng jeep sa sigaw na ito ng tsuper. Bilang isang pasaherong anim na beses sumasakay ng jeep araw-araw para makapasok at makauwi mula sa aking internship,...