CME Pumas, naghari sa Synch Dance Comp

Lycamae Penarejo

October 26, 2023

Pinahiyaw ng College of Maritime Education (CME) Pumas ang buong University Gymnasium sa kanilang One Piece dance concept sa Synchronized Dance Competition ng Intramural Games 2023, Oktubre 26.

Puno ng emosyon at determinasyon ang mga mananayaw sa kanilang ipinamalas na kahusayan sa sayaw at pag-indayog sa ritmo ng musika.

Sa paligsahang ito, siyam na departamento ang naglaban-laban kung saan itinanghal na kampeon ang CME Pumas, nakuha naman ng CAS Lynx ang ikalawang pwesto, at nasungkit naman ng CCJC Cheetahs ang ikatlong pwesto.

Ilan sa mga departamentong nakilahok ay ang CEd Jaguars, CIHTM Bobcats, CNAHS Leopards, CCMS Sabertooths, CBA Lions at CEng Tigers.

Malinaw na ipinakita ng mga mananayaw ang tiyaga at paghihirap na kanilang ibinuhos sa mga ensayo.

Tunay na naging inspirasyon ang mga kalahok upang palawakin ang talento ng mga mag-aaral sa labas ng kanilang akademikong karera.

Samantala, ang Intramural Games 2023 ay magpapatuloy hanggang Oktubre 29 kung saan itatanghal ang overall champion ng paligsahan.

You might want to read…

Buhay sa Gatilyo ng Langis

Buhay sa Gatilyo ng Langis

"Puro estudyante pa ang sakay! Maawa naman kayo sa aminโ€”regular na ang ibayad niyo!โ€ Nabasag ang ugong ng makina ng jeep sa sigaw na ito ng tsuper. Bilang isang pasaherong anim na beses sumasakay ng jeep araw-araw para makapasok at makauwi mula sa aking internship,...