CIHTM Bobcats, hinainan ng bangis ang mga katunggali sa lawn tennis

John Leo Echevaria

October 27, 2023

Rumagasa ang ginto para sa CIHTM Bobcats matapos masungkit ng dalawang dakila na sina Daniel James Tan at Allysa Arellano ang panalo para sa Men Singles A, Women Singles B, at Mixed Doubles category ng Lawn Tennis sa ginanap na Intramural Games 2023.

Unang nagkamit ng ginto si Daniel James Tan sa Men Singles A laban sa katunggali na si Edrian Manipol ng CME Pumas, 6-3, sa kabila ng iniindang trangkaso.

“Yung totoo, wala akong training [for] almost 3 years. Kumbaga balik lang ako ngayong game… ngayon nga may trangkaso pa ako,” ani Tan.

Naging mainit ang salitan ng bola nina Tan at Manipol na tila naging labanan ng tibay pagdating sa 6th game, 3-All.

“Pagod na ako sa midgame, binibigay bigay ko na yung bola para makapagpahinga muna ako,” ayon kay Tan.

Tila naging epektibo naman ang stratehiyang ito ni Tan dahil hindi na nakabawi si Manipol sa mga sumunod na laro na nagtapos sa 6-3.

“Training… kinulang sa training dahil 3 years akong nahinto,” paliwanag ni Manipol sa kaniyang naging pagkatalo.

Sunod namang nakasungkit ng ginto si Allysa Arellano sa Women Singles B category, 6-3, laban sa pambato ng CBA Lions na si Aaliyah Kaye Julao.

“Medyo masakit pa kasi yung braso ko… kaya naglaro rin ako kahapon para [makondisyon] yung braso ko kahit papaano, ” sagot ni Arellano sa naging paghahanda para sa kompetisyon.

Hindi napigilan ng iniindang sakit ang bangis ni Arellano matapos tambakan ang pambato ng CEng Tigers sa naunang match, 6-0.

Tila nakahanap naman siya ng katapat sa naging laban kay Julao na tumagal ng halos kalahating oras at nagtapos sa puntos na 6-3.

“Match lang din po kami… mas kampante lang po ako na maibalik yung kaniyang palo kahit papaano,” ani Arellano.

Nagsanib puwersa naman ang dalawang halimaw mula sa CIHTM upang makamit ang ginto para sa Mixed Doubles category laban sa CBA Lions, 8-1.

“Strategy lang po, strategy lang po namin na kapag may hindi masyadong magaling [sa kanila], binibigay po namin doon [yung bola], ” paliwanag ni Allysa sa naging estratehiya para sa pagkapanalo.

Naging epektibo ang naging diskarteng ito ng dalawa laban sa pambato ng CCMS matapos nilang pakainin ng itlog, 8-0, sa naging match na puro ace.

Napuno naman ng katuwaan at patutsada ang sumunod na match matapos makaharap ng dalawa ang nakakatandang kapatid ni Allysa Arellano na si Arianne Arellano mula sa CCJC Cheetahs.

“Hindi ka makakauwi,” pabirong sigaw ni Arianne sa kapatid sa gitna ng laro.

Sa kabila nito, hindi natinag ang angas ng dalawang Bobcat na tinapos ang laro sa puntos na 8-1.

“Wala pong bigayan, wala pong kapatid kapatid,” ani Allysa.

Nagpapasalamat ang dalawa sa naging mainit na suporta ng mga kaibigan, guro, at kamag aral mula CIHTM para sa kanilang pagkapanalo.

You might want to read…

Crawling Filth of Juan Tamban

Crawling Filth of Juan Tamban

In many Filipino homes, a mother’s warmth is the light that embraces, while a father’s strength forms the walls that protect. But what happens when those walls harden into fists, and that light begins to flicker? Beneath the cold floors, something crawls in the house...

When love leave scars

When love leave scars

A bruise blooms like an ink stain on soft skin—dark at first, then fading to a shadow. But some wounds go deeper. Some settle into the bones, whispering their presence in moments of stillness. Peklat Cream, a hauntingly clever track by Bita and the Botflies, gives...

Ending Period Poverty, empowering Filipina students

Ending Period Poverty, empowering Filipina students

Despite ongoing efforts to promote gender equality, period poverty remains a major barrier to education for many young Filipinas. Period poverty refers to the lack of access to menstrual products, inadequate facilities, and the deep-seated stigma surrounding...