CCJC Blessing

layout by Yestin Kim Roxas

Chairman Enverga, nanguna sa pagpapasinaya ng bagong gusali ng CCJC

Lycamae Penarejo

July 24, 2024

Pinangunahan ni Chairman ng Board of Trustees at Chief Executive Officer Wilfrido Enverga ang ribbon cutting ng bagong tatlong palapag na gusali ng College of Criminal Justice and Criminology (CCJC) sa Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF) bilang hudyat ng paggamit nito sa darating na taong panuruan, Hulyo 18.

Sa ginanap na seremonya, kabilang sina Board of Trustees Member Buenaventura L. Quiling, Executive Vice President and Vice President for Academics and Research Dr. Benilda N. Villenas, Legal Counsel and Assistant Corporate Secretary Joseph Adolfo C. Ilagan, Officer-in-Charge, Vice President for Administration, Amelia E. Delos Reyes, Chief Accountant Faith Evangelista, at mga Dekana na sina Dr. Maricel D. Herrera at Ar. Jennifer Sanchez.

Dumalo rin sa okasyon sina Assistant to the Chairman, Coordinator, Affiliate Schools, Dr. Amelita Balagtas, Office of Student Affairs and Services, Director Joana Fe B. Panganiban, Vice President for Finance and Treasurer Carlito M. Rodriguez, at Vice President for External Relations Celso Jaballa.

Sinundan ito ng pagbasbas na pinangunahan ni Rev. Fr. Ferdinand Maaño at isang mensahe mula kay Executive Vice President and Vice President for Academics and Research, Dr. Benilda Villenas.

“As we bless and inaugurate this magnificent new building, we celebrate not just bricks and mortar but the boundless potential it represents. This new facility is more than just a structure; it is a beacon of knowledge, justice, and dedication,” ani Villenas.

Sa disenyo ni Architect Raul Villanueva, ang bagong gusali ay naglalaman ng mga modernong pasilidad tulad ng mga high-tech laboratory, simulation rooms, at mga silid-aralan na may advance audio-visual equipment. Ang mga makabagong teknolohiyang ito ang napapanahong kagamitan na magagamit ng mga estudyante upang hubugin ang kanilang kaalaman sa larangan ng Criminology.

Ipinahayag naman ni Dr. Henedina A. Lagumen, Dekana ng CCJC, ang kanyang kasiyahan sa bagong gusali. “CCJC is now on its 38 years of existence, and I am honored that I have been part in honing the competence of the first batch of Criminology graduates of MSEUF. All the accomplishments of the college are the products of collective efforts of the top management, faculty, and students,” ani Lagumen.

Ang bagong gusali ng CCJC ay patunay sa pangako ng MSEUF sa Sustainable Development Goal 4, na naglalayong magbigay ng de-kalidad at madaling access na edukasyon. Bukod sa seremonya, nagkaroon din ng tour sa loob ng bagong gusali. Ipinakita ang mga state-of-the-art facilities at mga kagamitan para sa forensic science at criminology simulations, mga silid-aralan na may whiteboards at televisions, simulation room tulad ng moot court, crime scene room, at defense tactics room, at function hall para sa mga isasagawang seminar.

Bilang CHED Center of Excellence, ang pagtatayo ng bagong gusali ng CCJC ay isang hakbang tungo sa mas mataas na antas ng edukasyon at pagsasanay na ibinibigay ng College of Criminal Justice and Criminology. Natapos ang gusali sa loob ng isang taon, na may budget na 68 milyon pesos. Ang bagong gusali ay resulta ng dedikasyon at pagsisikap ng pamunuan, guro, at mga mag-aaral upang masiguro ang de-kalidad na edukasyon sa larangan ng Criminology.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...