CEng Days 2022, ipinagdiwang ng CEng

Ma. Cleofe Bernardino

January 13, 2024

Sa temang “CENG DAYS 2022 BEACON: Branding Engineers as Contrivers of the New Normal”, nagagawa ang College of Engineering (CEng) ng tatlong araw na pagdiriwang sa MSEUF Covered Court, Disyembre 12-14.

Sa ilalim ng CEng Department Student Council, naghanda ang mga pang-akademikong organisasyon ng mga aktibidad para sa tatlong araw ng kaganapan. Sa tatlong araw na selebrasyon, nakilahok ang mga estudyante sa mga palaro tulad ng Wire Loop Game Relay, Mobile Legends Tournament, Running Numbers, Call of Duty: Mobile Tournament, Please Pass! Challenge, Deciphering Challenge, at ang Amazing Race.

Nakilahok rin ang mga estudyante sa iba’t ibang aktibidad na pang-akademiko tulad ng pagsulat ng sanaysay, debate, oratorical speech at quiz bee. Nanguna si Edsel Nikko Caballer mula sa Philippine Institute of Industrial Engineers – MSEUF Student Chapter sa larangan ng photo essay habang si Louie Angelo Basas naman ang nagkampyon sa pagsulat ng sanaysay.

Sa Quiz Bee, nanalo si Graeme Fabie sa kategoryang Current Events, si Shane Louis Holanda sa Filipino, si Justine R. Modomo sa General Information, si Carl Jullius A. Soriano sa History, si Hyacinth Marasigan sa Science, at si Carl John P. Soriano naman ang naghari sa Spelling. Sa oratorical speech, nagkamit ng unang pwesto si Princess Espinosa mula sa Philippine Society of Mechanical Engineers – MSEUF Student Unit. Samantala, nagpamalas ang ilang estudyante ng galing sa pagkanta, pagsayaw at pagtugtog para sa mga kompetisyong vocal solo, duet, hiphop dance at battle of the bands.

Nagwagi si Peejay Umali sa vocal solo contest at sa vocal duet kasama si Via Marie Nicole Mandigma, mga mag-aaral mula sa Geodetic Engineers of the Philippines – Quezon Student Chapter. Nanalo naman ang Philippines Society of Mechanical Engineers – MSEUF Student Unit sa Battle of the Bands at sa kategoryang Hip-Hop dance.

Sa huling araw ng okasyon, nagsagawa ng kompetisyong malayang pagtula bilang parte ng aktibidad na kultural. Dito, nasungkit ni John Erick Decena mula sa Technology Math Club ag unang pwesto para sa spoken word poetry.

Pagkatapos nito, itinanghal bilang Miss Engineering 2022 si Alexza Mae Espiritu, 3rd year Electrical Engineering, sa RBA Hall na magiging kinatawan ng departamento sa Miss Enverga 2023.

Ayon kay Vino Sotomayor, chairman ng CEng, ang layunin ng temang ito ay mabigyang-diin ang papel ng mga inhinyero sa panahon ngayon lalo na sa maraming pagbabago at paano nakakatulong sila sa paglutas ng solusyon.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...