CCJC, nagsagawa ng seminar para sa mga criminology students

Lycamae Penarejo

January 13, 2024

Sa pagtatapos ng unang semester naglunsad ang CCJC ng seminar sa University Gym noong Disyembre 12. Ito ay para sa mga estudyante upang malaman nila ang kahalagahan ng kanilang programa at paano sila nito matutulungan sa kanilang magiging trabaho.

Nagkaroon ng seminar sa umaga ukol sa Behavior and Stress Management para sa 1st at 2nd year students na pinangunahan ni Mr. Rey Marco Z. Casińo bilang pangunahing tagapagsalita.

Binigyaang diin ni Sir Marco ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang paraan kung paano harapin ang stress at kung paano ito malulunasan. Nabanggit niya sa kaniyang presentasyon na 60% ng mga impormasyon na nakikita ng tao sa internet ay tinatanggap na lamang bilang totoo kung saan nagmumula ang stress.

Dagdag niya na bukas ang Guidance Counseling sa loob ng Unibersidad kung sakaling kailangan ng mga estudyante mula sa departamento ng kriminolohiya ng makakausap at mapagsasabihan ng kanlang nararamdaman.

Samantala noong hapon nagkaroon ng ikalawang bahagi ng seminar para sa mga 3rd year at 4th year student’s ng Enverga na may temang “Transnational Organized Crime and Anti-Terrorism Law of 2020: Addressing Borderless Crimes and Violent Extremism” na pinangunahan ni Dr. Winston John R. Casio, bilang tagapagsalita.

Ipinaliwanag niya rito ang kahalagahan ng pag alam sa mga batas sa pilipinas at iba’t ibang uri ng krimen na lumalaganap sa bansa. Ilan sa kaniyang nabanggit ang Human Trafficking at Money Laundering. Isinagawa ang seminar na ito bilang pagbubukas sa unang araw ng Criminology Week 2022.

You might want to read…

Crawling Filth of Juan Tamban

Crawling Filth of Juan Tamban

In many Filipino homes, a mother’s warmth is the light that embraces, while a father’s strength forms the walls that protect. But what happens when those walls harden into fists, and that light begins to flicker? Beneath the cold floors, something crawls in the house...

When love leave scars

When love leave scars

A bruise blooms like an ink stain on soft skin—dark at first, then fading to a shadow. But some wounds go deeper. Some settle into the bones, whispering their presence in moments of stillness. Peklat Cream, a hauntingly clever track by Bita and the Botflies, gives...

Ending Period Poverty, empowering Filipina students

Ending Period Poverty, empowering Filipina students

Despite ongoing efforts to promote gender equality, period poverty remains a major barrier to education for many young Filipinas. Period poverty refers to the lack of access to menstrual products, inadequate facilities, and the deep-seated stigma surrounding...