CCJC, ipinagdiwang ang Criminology Fun Day 2022

Lycamae Penarejo

January 13, 2024

Matapos ang dalawang taong pagdiriwang online bunsod ng matapos na kaso ng COVID-19 nagsagawa ang College of Criminal Justice and Criminology (CCJC) ng Criminology Fun Day noong Disyembre 13 sa University Gym.

Pinangunahan ng 4th year officers ang inspection sa mga Criminology students papasok sa Gymnasium upang masigurado na disiplinado at tama ang suot ng bawat estudyante para sa gaganaping Criminology Fun Day.

Pormal na nagsimula ang pagdiriwang sa isang Zumba kasama ang Banyuhay Dance Troupe kasama ang students and faculty ng CCJC. Matapos nito nagkaroon ng iba’t ibang uri ng palaro na kinagiliwan salihan ng mga estudyante tulad ng Pinoy henyo, egg catching, know your senior, tug of war, pasa mo boy, caterpillar, slogan, poster making, at vocal solo.

Sa hapon naman ginanap ang pagkilala sa mga estduyanteng pasok sa Dean’s List para sa ikalawang semester noong 2021-2022. Kasabay nito ang pagsasagawa ng 4th year OJT student’s ng kanilang drill o formation. Kasama sa Fun Day ang CCJC Christmas Party na nagsimula ng alas siete ng gabi hanggang alas onse y media ng gabi kung saan nagkaroon ng raffle, intermission number, at party.

Sa kompetisyon na Tiktok Dance (Solo) naiuwi ni Patricia Mae J. Par ang ikatlong pwesto, nasungkit naman ni Yvonne Rina Taganahan at tinanghal na kampyeon si Rafaela Rivano. Sa larangan ng Modern Dance (Group) nakuha nina Charisse Biance Bernas, Angela Busa, Khate Yasmien Elarmo at Marienel Motar ang ikatlong pwesto, nagwagi naman sa ikalawang pwesto sina Mekylla F. Pialago, Anna Mae Vergara at Ella Mae Mirando habang nasungkit ng grupo nina Albert Rupinto, Mathew Pastofrfide at Ishi Ann Luce ang unang pwesto. Tinanghal sa ikatlong pwesto si Jaren Zyrelle Mae Lajara, ikalawa si Alexander Macanang Jr. at unang pwesto si Jimuel Rapal sa Meme Competition.

Sa on-ground on reels nakuha ni Jimuel Rapal ang ikatlong pwesto, Freidrick Nicolas Villenas para sa ikalawang pwesto at si Briant Christian Del Mundo ang nakasungit ng unang pwesto. Napanalunan naman ni Gray John Lord Pedrezuela ang ikatlong pwesto, Marry Joy Manalo para sa ikalawang pwesto at Ryme Krishna Panganiban sa unang pwesto sa Black and White Photography habang sina Bea Delin, Junell Letargo, Kyla Mae Vito, Ramil Umali Jr., Reina Josh Arroyo at Lyka Mae Perida ang nakatanggap ng consulation prizes. Bumida rin sa Vocal Solo si Aleah Oliveros sa ikatlong pwesto, Kristine Mendoza ikalawang pwesto, at Cendrick Ayag unang pwesto.

Habang sa Chalk Art Poster nakuha ni Jake Arrex Ulep ang ikatlong pwesto, nasungkit ni Jessierel Bumalay ang ikalawang pwesto at si Roy Christer Pinion ang nakauwi ng unang karangalan.

Tinanghal rin na Star of the night si Althea Gem Villapena habang Queen of the night si Kassandra Nicole Zagala at ang King of the night na si Keinyel Sio. Nagkaroon rin ng best in intermission kung saan tinanghal si Dancello Rey bilang panalo.

You might want to read…

The “cost” of microcredentials

The “cost” of microcredentials

At the Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), education is becoming an expanding expense as instruction is outsourced to overpriced modules. Hundreds of students, particularly in the College of Computing and Multimedia Studies and the College of Engineering,...

The Day After I Graduated

The Day After I Graduated

Sunlight brushed softly against my cheek. I opened my eyes, smiled, and finally exhaled—for the first time in four years, I woke up without the weight of deadlines pressing on my chest. I lay there for a while—staring at the ceiling, noticing cobwebs in the...

They Were Sweet

They Were Sweet

I think I saw it before anyone else did—the way he looked at her,with soft eyes and sweet smiles,like every moment with herwas a scene from a movie. It started small:a glance that lingered a second too long,an inside joke that made them both blush.Eventually, everyone...